IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

HELP HELP HELP PLEASE
"SINGAPORE "
Walang pagsidlan ng kaligayahan ang naramdaman ng mag-ina pagbaba ng eroplanong PAL. Ang malimis, tahimik na napakagandang paliparan ng Singapore ang bumungad sa kanila. Bumulaga sa kanilang harapan ang napakaraming orkidyang bulaklak na iba-iba ang kulay. Malamig na malamig at mabango ang buong kapaligiran ng paliparan. Bawat sulok dito ay may iba-ibang tindahan. Masisipag na nagbibigay ng mga impormasyon ang mga kawani ng turismo.

Hawak-hawak ng mag-ina ang mga pulyetong binigay ng mga taga-turismo at sabik na sumakay ng taksi. Laking gulat nila walang trapik. Mangilan-ngilan lamang ang mga sasakyan sa daang malalawak. Pasyal dito, pasyal doon ang kanilang ginawa. Namili ng mga pasalubong sa mga kaibigan sa Pilipinas subalit kapansin-pansing may kamahalan ang lahat ng bilihin.

Napakalinis at napakatahimik ng Singapore at ang mga mamamayan ay totoong napakasipag. Abalang-abala ang lahat ng tao. Subalit kapansin-pansing ang mga tao dito ay halops hindi ngumingiti, parang galit sa mundo. Bakit kaya tila hindi sila nasisiyahan sa ganda, linis, yaman at katahimikan ng kanilang bansa.

Sa ikalimang araw ng paglilibot, may tumimo sa kanilang mga puso. Mga matatandang babae at lalaking uugod-ugod, may pilay, may kuba, nanginginig na kamay, mga putting-putting buhok ay silang nagtatrabaho ng lahat maruruming Gawain. Nagwawalisb sila sa daan at mga pasilyo, naglilinis ng kubeta, inuutus-utusan sa mga opisina at mga tsuper ng taksi. Kitang-kita sa kanilang mga mata ang kalungkutan. Namumuhay pala silang mag-isa sa kanilang condominium. Nasaan ang kanilang mga anak?
Maunlad nga ang Singapore, subalit malungkot ang mga mamamayan dito. Tayo ay mahirap na bansa subalit masasaya dahil an gating pamilya ay tapat na nagmamahalan sa isa’t-isa hanggang wakas.

1.Ilarawan ang kabuuan ng bansang Singapore.
2.Nasisiyahan baa ng mga Singaporean sa kanilang kalagayan sa kanilang bansa? Ipaliwanag ang iyong kasagutan.
3.Kung ikaw ang mamimili, saan mo gustong maniraharan, sa Singapore o sa Pilipinas? Ipalianag ang iyong kasagutan.
4.Anong uri ng paglalarawan ang nabasang akda?
5.Isulat ang bahagi ng akdang may Karaniwang Paglalarawan.
6. Isulat ang bahagi ng akdang may Masining na Paglalarawan.​


Sagot :

Answer:

1. Ang bansang Singapore ay inilarawang malimis, maayos, walang kaguluhan, maraming bilihin, at walang trapik ngunit, binanggit din dito ang may kamahalan ang mga bilihin at nagtatrabaho pa rin ang mga matatanda kahit na sila ay mahina at may sakit na nararamdaman.

2. Sa aking palagay ay hindi, ayon na rin sa paglalarawan ng may akda, nabanggit dito na malimit kung sila ay ngumiti siguro ay nasa kanilang kultura ito. Maaring sila ay nakapokus lamang sa kung paano sila kumita ng pera upang mabuhay.

3. Batay sa paglalarawan, mas mainam na ako ay manarihan sa Pilipinas, hindi dahil mas mura ang bilihin kundi dahil ito ang kulturang aking kinagisnan at bilang isang Pilipino.

4. Masining at Karaniwan

5. Malamig na malamig at mabango ang buong kapaligiran ng paliparan. Bawat sulok dito ay may iba-ibang tindahan. Masisipag na nagbibigay ng mga impormasyon ang mga kawani ng turismo.

6. Sa ikalimang araw ng paglilibot, may tumimo sa kanilang mga puso. Mga matatandang babae at lalaking uugod-ugod, may pilay, may kuba, nanginginig na kamay, mga putting-putting buhok ay silang nagtatrabaho ng lahat maruruming Gawain.

Explanation:

SANA MAKATULONG