Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

buod ng pulitika ng wika, wika ng pulitika​

Sagot :

Answer:

Ang Wika ng Pulitika

  • Ginagamit ang wika sa mga usaping pulitika sa pamamagitan ng pangangampanya tuwing sasapit ang halalan o eleksyon.
  • Ginagamit ang wika ng mga pulitiko lalo na ang Pangulo ng Pilipinas sa mga mahahalagang okasyon.
  • Nang dahil sa wikang gamit ng mga pulitiko, nagkakaroon ng kamalayan ang mga mamamayan sa mga nagaganap at nangyayari sa pamahalaan o gobyerno.
  • Nakatutulong ang wika sa mamamayan upang lubos na makilala ang tamang pulitiko na kanilang ihahalal upang mamamahala at mamumuno sa bansa at sa bayan.
  • Naririnig sa iba't ibang panig ng bansa ang mga mahahalagang isyu tungkol sa pamahalaan gayundin sa mga pulitiko, sa radyo at telebisyon na may kinalaman sa pulitika.
  • Wika ang ginagamit ng mga pulitiko upang mahusay na makipag-ugnayan sa isa't isa tungo sa maayos na pamamahala at pagpapaunlad ng bansa.
  • Wika rin ang ginagamit ng mga tao upang maipabatid ang mga opinyon, saloobin at hinaing ukol sa pamahalaan.
  • Kakabit na ng wika ang kapangyarihang kontrolin ang isipan ng mga tao kaya hindi na maiaalis ang paggamit nito upang itago ang katotohanan at bigyan ng iba’t ibang kahulugan ang mga salita. Hawak ng tao ang susi kung papaano mapabuti ang lipunan—ang wika.

Ang wika ay nagmula sa salitang Latin na “lengua” na ang kahulugan ay dila. Ito’y isang masistemang gamit sa pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon na binubuo ng mga simbolo at panuntunan. Ito’y isang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at opinyon sa pamamagitan ng mga salita upang magkaunawaan ang mga tao.

Ang wika ay nagagamit bilang instrumento ng komunikasyon dahil ginagamit ang wika upang ipahayag ang ating damdamin, pangangailangan, at iniisip sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng isang tao sa lahat ng pagkakataon.

Ang wika ay may taglay na malalim, malawak at natatanging kaalaman at karunungan. Kung mahusay nating magagamit ito sa ating buhay at iba-iba pang mga aspeto nito ay masasabi ngang magbubunga ito ng kaunlaran at karunungan. Ang wikang ito na mahiwaga na nagpababatid ng mga kaalaman ay lalong mabisang maikakasangkapan sa ating pambansang kaunlaran kung ito'y lubos at puspusang pinapairal sa iba't-ibang larangan at disiplina.

Samakatuwid, napakahalaga ng wika sapagkat ito ang nagbibigay buhay, diwa at ang nagpapakilala sa bansa, ito ang sumasalamin sa kultura, kaugalian, paniniwala, kaalaman at karunungan ng mga mamayan, ang nagbabatid ng kakayahan ng mga tao, ito ang daluyan ng ating komunikasyon, ito ang larawan na nagpapakita ng ating pagkakakilanlan, kung paano tayo tatanawin at ituturing ng mga tao sa labas ng bansa.