IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

ano- ano ang kahalagahan ng mahal na araw sa mga kristyanong pilipino

Sagot :

Answer:

Ito ang pagtanaw sa buhay ni Hesu-Kristo na siyang tagapagligtas sa sangkatauhan. Ang “Mahal na Araw” ay nagsisimula sa tinatawag na “Ash Wednesday” at nagtatapos sa “ Araw ng Muling Pagkabuhay” ni Kristo. Sa kabuuan, may 40 araw sa pag-obserba ng “Mahal na Araw” na punong-puno ng mga tradisyong Katolika na namana ng Pilipinas noong sinakop ng Espanya.

Sa paggunita ng “Mahal na Araw” maraming tradisyon na ang tila nawala. Bagamat may mga mangilan-ngilan pa ring gumagawa ng “pabasa”- pag-aawit ng mga pasakit ni Kristo, hindi na masyadong iniinda ito ng mga kabataan. Marahil dahil sa hindi naipasa sa kanila ang tradisyong ito na mga ilang siglo na ring isinasagawa. Nandiyan pa rin ang mga tradisyon ng “senakulo”, ng mga prusisyon ng mga ‘santo” na ginayakan ng mga ibat-ibang palamuti at ang pagbibisita sa mga simbahan.

Dahil ang “Mahal na Araw” ay nataon sa mainit na panahon, hindi na rin maiiwasan na ang mga tao ay pumupunta sa mga “beaches” at mga “resorts” upang magpalamig. Bakasyon grande, wika nga na punong-puno naman ng komersiyalismo sa mga lugar na nabanggit. Pati mga malalaking “malls” ay nakikiayon sa komersiyalismo sa paggunita ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Mayroon pang “Easter” na kung saan pati mga itlog na nakulayan ay ginagawang laro ng mga kabataan.

Hindi masama ang pagsasagawa ng mga kinalakihang tradisyon ng kulturang Filipino. Ang tanong? Saan ba naka -sentro ang paggunita ng mahal na araw? Ito ba ay nakasalalay sa tradisyon at kultura? Nasaan na ang mga pasakit ni Kristo na siyang ginugunita?

Ang “Mahal na Araw” ay panahon ng pagtitika at ng repleksyon sa ating buhay. Paggunita ito sa buhay espirituwal upang maiugnay natin ito sa Lumikha. Panahon upang ating suriin ang ating mga buhay kung tayo ba ay gumagawa ng kabutihan sa kapwa nating mga tao ayon sa mga aral ni Kristo.

Lumilipas ang mga panahon at mga taon na palagi nating ginugunita ang “Mahal na Araw”. Nasa mga puso at isipan ba natin ang kahalagahan nito? Kung ang ating mga gawain sa paggunita nito ay nakatuon lamang sa mga tradisyon at sa mga kasiyahan sa buhay, nawawala ang esensiya ng paghihirap ni Kristo. Balangkasin sana natin ang tunay na paggunita ng “Mahal na Araw” tungo sa isang malusog na buhay espirituwal..

Explanation:

you can also answer this one.. pili ka nalang. :))

Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Filipino sa tagapagligtas na kumakatawan kay Hesukristo. Taon-taon, ipinagdiriwang ito upang palalimin ang pananampalataya, binubuhay ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at pamamanata. Nakikiisa sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa kaligtasan ng buong daigdig. Naniniwala na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik bilang patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya.

Ang Mahal na Araw ay nagsisimula pagsapit ng Miyerkoles ng Abo, ang araw na kinukrusan ng abo sa noo ang mga deboto bilang tanda ng kanilang pagsisisi. Paalaala rin iyon na “sa abo nagmula ang lahat, at sa abo rin magbabalik pagsapit ng wakas.” Miyerkules ng Abo ang naghuhudyat ng pagbubukas ng panahon ng pagsisisi, pag-aayuno, at pangungumpisal, na pawang paghahanda sa malagim na pasyon ni Hesukristo sa kamay ng kaniyang mga tagausig. Tumatagal nang 40 araw ang taunang tradisyon, at nagtatapos sa Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo na ginaganap pagsapit ng Linggo.

Kilala ang mga Filipino sa paggunita ng Mahal na Araw. Ito ang pinaniniwalaang paraan upang magbalik-loob sa Diyos at talikuran ang mga maling pamumuhay.

Answer:

ANG MAHAL NA ARAW AY ANG PANAHON NG PAGGUNITA AT PAGBABALIK-LOOB NG MGA KRISTYANONG FILIPINO SA TAGAPAGLIGTAS NA KUMAKATAWAN KAY HESUKRISTO. TAON- TAON, IPINAGDIRIWANG ITO UPANG PALALAMIN ANG PANANAMPALATAYA, BINUBUHAY ANG MAHABANG TRADISYON NG MGA KRISTYANO, GAYA NG PAG-AAYUNO AT PAMAMANATA.

Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Bisitahin kami palagi para sa pinakabagong impormasyon.