Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Explanation:
Kung minsan tayong mga tao ay hindi na napapahalagahan ang kalikasan. Ito ay isang napakagandang biyaya ng may Kapal sa sangkatauhan. Maitim na tubig sa ilog, basura sa dagat at kalbong gubat – iyan ang iyong makikita kapag minasdan mo ang kapaligiran.Ang mga puno ay importante sa mga tao dahil ito ang naglilinis ng hangin at sumisipsip ng tubig ulan upang hindi bumaha. Dahil sa walang tigil na pagputol ng mga puno ay madalas magkaroon ng mga malalaking pagguho ng lupa at pagbaha, pati ang mga hayop sa kagubatan ay nanganganib din dahil nawawalan na sila ng tirahan. Kaunti na lang ang mga punong lumilinis ng hangin ngayon kaya ang mga tao ay madalas magkasakit. Nagkakaroon din ng mga pagbabago sa klima na dulot ng polusyon.