IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga eksperto at kuryusidad. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Answer:
KASIPAGAN • Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. • Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina at kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan. • tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao. Nagagamit niya ito sa mabuting pakikipagrelasyon niya sa kaniyang kapwa at mula sa kasipagan na taglay niya ay makatutulong siya na mapaunlad ang bansa at lipunan na kaniyang kinabibilangan.
2. 1. NAGBIBIGAY NG BUONG KAKAYAHAN SA PAGGAWA. • Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang kaniyang buong kakayahan, lakas at panahon upang matapos niya ito ng buong husay.
3. 2. GINAGAWA ANG GAWAIN NG MAY PAGMAMAHAL. • Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa ibig sabihin naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi lamang niya ito ginagawa upang basta matapos na lamang kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
Explanation:
Yan lang po na search ko.
Pinahahalagahan namin ang bawat tanong at sagot na iyong ibinabahagi. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.