IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa mga sagot ng komunidad at eksperto. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.
Sagot :
Answer:
Ang ilan sa mga karapatan ng mga kababaihan ay nasa ibaba:
Ang mga kababaihan ay may karapatan na hindi mabigyan ng diskriminasyon sa pagtatrabaho. May mga batas tungkol sa karapatan ng mga kababaihan katulad ng Republic Act 6725 na naglalayon na labanan ang diskriminasyon sa mga kakabaihan pagdating sa paghahanap at pag-aapply ng trabaho. Naglalayon din ito na magkaroon ng maayos na kondisyon ang mga kababaihan sa trabaho, kung saan walang umiiral na diskriminasyon dito. Nakasaad din ito sa Magna Carta of Women na nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan sa lipunan.
Ang Magna Carta of Women ay nagtataguyod ng lahat ng karapatan ng mga kababaihan pagdating sa panlipunan, pang-ekonomiya, pulitikal, kultural at sibil na karapatan. Ito ay naaayon sa karapatan ng mga kababaihan ayon sa saligang batas.
Bukod sa mga ito, narito ang iba pang mga karapatan na pabor sa mga kababaihan: proteksyon sa mga nang-aabuso at karahasan (maging ito man ay sa paraan ng pisikal, sekswal, emosyonal at mental), kaligtasan sa panahon ng kalamidad o krisis, pagkakaroon ng pantay na representasyon sa pulitika at pamahalaan, pagkakataong magkapit ng edukasyon na kapantay ng mga kalalakihan, komprehensibong serbisyong pangkalusugan, pagkakaroon ng maternity leaves, at iba pa.
Narito ang iba pang mga links na may kaugnayan sa nasabing paksa:
brainly.ph/question/1617788
brainly.ph/question/1129168
brainly.ph/question/1892464
Explanation:
Maraming salamat sa iyong pakikilahok. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Gawin mong pangunahing mapagkukunan ang IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot. Nandito kami para sa iyo.