Ang pang-araw araw na
gawain ng mga tao sa kasalukuyan ay ginagamitan na ng iba't ibang uri ng
kasangkapang de makina at de kuryente samantalang noon mga panahon ng mga tag
Catal Huyuk ay gumagamit sila ng mga kasangkapang mula sa pinakinis na mga bato.
Ngayon,
ang mga katawan ng mga patay ay binibigyan ng disenteng lamay at burol sa isang
disenteng kapilya at may mga mamahaling kabaong ngunit dati ay inililibing
lamang nila sa loob ng kanilang bahay ang kanilang mga patay.
Ang
sining ngayon ay marami ng pormal na pagsasanay sa iba't ibang paaralan at
sumasali na sa iba't ibang patimpalak na pang-internasyonal samantalang dati
rati ang sining ng paghahabi at paggawa ng mga palayok ay isang paraan din ng
hanapbuhay ng mga tao.
Sa
kasalukuyan, palengke ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain sapagkat lahat ay
ibinebenta na ngunit dati sila mismo ang nagtatanim at naghahanap ng kanilang
pagkain sa kagubatan.