Ang unemployment ay isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay walang makita o mapasukang trabaho sa kabila ng kanilang sapat na pinag-aralan at kakayahan.
Marami sa mga ito ay nakatapos ng kurso at nagtapos na unibersidad o kolehiyo na nakikipagsapalaran na makahanap ng trabaho.
Isa sa mga dahilan ng unemployment ay walang sapat na pangangailangan o bakanteng posisyon sa opisina.
Halimbawa:
Ang opisina ay nangangailangan ng limang mangagawa sa isang posisyon. Kung may isang daang aplikante ang nag-aplay sa posisyong ito, sampu lamang sa mga ito ang magkakaroon ng trabaho samantalang ang natirang siyam napu ay uuwi sa kanilang pamilya na wala paring trabaho.