IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
LAYUNIN NG BAWAT SEKTOR
Kung ang mga sector o sektor na tinutukoy mo ay ang mga sektor ng lipunan na:
- paaralan
- paniniwala
- pamilya
- ekonomiya
- pamahalaan
Narito ang mga layunin nila:
(Tingnan ang link na may kaugnayan: Ano ang mga sektor ng lipunan? - brainly.ph/question/10960)
Paaralan
– Saklaw ng Edukasyon.
Layunin nitong mahubog ang bawat mamamayan na maging edukado, may bukas na isipan, may kaalaman at malawak na pag-unawa. Ito ang pinakamahalagang sektor ng lipunan dahil dito nakasalalay ang kaayusan at kaunlaran ng bayan. Ito ang pundasyonng pagkakaroon ng mabuting pagkatao. Kaya dapat ang Edukasyon ay karapatang dapat natatamasa ng lahat at walang kinikilingang antas.
Paniniwala
– Sa iba ay ito ang Simbahan.
Ang paniniwala ay sumasaklaw sa lahat ng pananampalataya ng mga mamamayan, mga kultura at tradisyon ng bawat isa. ang layunin nito ay mapaunlad ang sosyalismo at pagiging makatao ng mga mamamayan para magkaraoon ng isang matiwasay na lipunan.
Pamilya
– Ito ay ang pundasyon ng bawat lipunan.
Layunin nitong mabuo ang isang bayan.
Ekonomiya
– Ito ang mga negosyo at pagkonsumo ng mga bumubuo ng isang lipunan.
Layunin nitong maipagpatuloy ang daloy ng ekonomiya, produksyon, supply, at kayamanan ng bayan. Dapat napapaunlad nito ang distribusyon ng ating mga yaman upang lahat ay makatamasa ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.
Pamahalaan
– Ang layunin nito ay maging makatarungan at maging disiplinado sa pamamahala ng bayan.
Hindi dapat ito nagiging korap at diktador. Kabutihan ng bawat isa ang inaalala ng pamahalaan at hindi ang mga personal na interes ng mga kunwa-kunwariang namumuno.
Narito ang mga link na maaari ring makatulong:
Ano ang layunin ng bawat sektor? - brainly.ph/question/28701
Ano ang layunin ng bawat sektor ? - brainly.ph/question/22376
Lipunan
Upang mas maunawaan ang lahat, dapat ay batid kung ano ang ibig sabihin ng “lipunan”.
Ang salitang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon”. Ang ibig sabihin nito ay “pangkat”. Ang bawat indibidwal ay mayoong kinabibilangang pangkat na silang bumubuo ng iisang tunguhin o layunin sa buhay.
Sa pang-araw-araw nating buhay, mapapansing madalas na ginagamit ang salitang “komunidad” kesa ang salitang “lipunan”. Ang salitang komunidad ay nanggaling naman sa Latin na “communis”, na ang ibig sabihin ay “common” o “nagkakapareho”. Upang hindi malito, ang komunidad ay nasa isang partikular na lugar na dapat binubuo ng mga indibidwal at nagkakapareho ng mga interes, ugali o pagpapahalaga.
(Dagdag kaalaman! Ano ang kontribusyon nito sa lipunan,na ang layunin ng bawat sektor ng lipunan ay magkaroon ng kaalaman ang bawat isa? - brainly.ph/question/129740)
Lahat ng ating iniisip, nararamdaman, isinasaloob at isinasadiwa, sinasabi at mga ginagawa ay naiimpluwensiyahan ng lipunan na siyang ating kinabibilangan. Sa isang lipunan, nagkakaroon tayo ng mga pagkakataong maipakita ang pagmamalasakit, ang pagtulon sa panahon ng mga sakuna’t pangangailangan.
Naipakikita ng mga nasa lipunan ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng kanilang pagdamay at pagiging bukas-palad sa kapwa nang walang hinihintay na bayad o kapalit.
Tandaan!
Binubuo ang tao ng lipunan. At binubuo ng lipunan ang tao.
(Tingnan din ang link na ito: Ano ang iyong natuklasan sa kahulugann ng layunin,paraan at sirkumstansiya ng makataong kilos? - brainly.ph/question/871652)
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Umaasa kami na natagpuan mo ang hinahanap mo sa IDNStudy.com. Bumalik ka para sa mas maraming solusyon!