Answered

IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang mapagkukunan para sa maaasahang mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

paano makakatutulong sa pagkakaroon ng maayos na relasyon sa kapwa ang paggalang o pagrerespeto at pagiging tapat

Sagot :

Paggalang at Pagiging Tapat:  

       Ang paggalang ay makakatulong sa pagkakaroon ng maayos na relasyon sa kapwa sapagkat ang paggalang ay tumutukoy sa pagbibigay ng halaga sa isang tao o bagay. Sa tuwing kinikilala natin ang kahalagahan ng isang tao o bagay, tumitibay ang importansya ng paggalang. Ang paggalang ay nagsisimula sa pamilya. Katunayan, sa tuwing pinahahalagahan ang ama bilang haligi ng tahanan at ang ina bilang ilaw ng tahanan, ito ay matibay na halimbawa ng paggalang.  

       Ang pagiging tapat din ay makakatulong sa pagkakaroon ng maayos na relasyon sa kapwa sapagkat ang pagiging tapat ay tumutukoy sa pagiging maktwiran sa pakikitungo sa iba tulad ng pagiging honorable, prangka, walang pandaraya at panlilinlang. Ang pagiging tapat ay nagsisimula sa sarili. Katunayan, ang taong tapat sa sarili ay mas madaling magpakita ng katapatan sa ibang tao sapagkat wala siyang itinatagong lihim.  

Mga Paraan ng Pagpapakita ng Paggalang:  

  • Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.  
  • Paggalang sa kanilang mga kagamitan.  
  • Pagtupad sa itinakdang oras ng mga magulang.  
  • Pagiging maalalahanin sa mga magulang.  
  • Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal.  

Ang pagkilala sa mga hangganan o limitasyon ay isang mabisang paraan ng pagpapakita ng paggalang. Ang halimbawa nito ay ang hindi pagsabat o pakikialam sa usapan ng mga nakatatanda.

Ang paggalang sa mga kagamitan ng iba ay mahalaga sapagkat dito pumapasok ang tinatawag na "privacy". Ang halimbawa nito ay hindi paggamit ng anumang kagamitan ng mga miyembro ng pamilya ng walang abiso o paalam mula sa kanila.

Ang pagtupad sa itinakdang oras ng mga magulang ay konkretong paraan din ng paggalang. Ang halimbawa nito ay pagsunod sa "curfew" o itinakdang oras ng pag - uwi mula sa paarala, bahay ng kaibigan, o gawaing pampaaralan.  

Ang pagiging maalalahanin sa magulang ay tanda rin ng paggalang. Kapag inaalala natin ang ating mga magulang, hindi natin hinhayaan na mag alala sila o bigyan sila ng problema. Ang halimbawa nito ay pagtatanong sa kanilang kalagayan at nararamdaman.

Ang pagiging mapagmalasakit at mapagmahal ay pagpapakita rin ng paggalang. Maliit man o malaki, mayaman man o mahirap, babae man o lalaki, dapat na pagmalasakitan at mahalin. Ang halimbawa nito ay ang hindi pagtatapon ng basura sa mga estero at kanal na bumabara sa daluyan ng tubig na pwedeng magdulot ng mga sakit sa mga mamamayan.

Mga Paraan ng Pagiging Tapat:  

  • Pagiging tapat sa sarili.  
  • Pagiging tapat sa iba.  
  • Pagiging tapat sa Diyos.  
  • Pagiging tapat sa salita at gawa.  

Ang pagiging tapat sa sarili ay pagpapakatotoo sa nararamdaman, iniisip, at ninanais maging ito man ay hindi kanai nais para sa iba. Ang halimbawa nito ay ang pag - amin sa totoong personalidad at "sexual preference."

Ang pagiging tapat sa iba ay pagiging prangka, diretsahan, at matapang sa pagsasabi ng katotohanan. Ang halimbawa nito ay ang pag - amin sa kasalanang nagawa at pagpapahayag ng pagka - dismaya at galit sa isang tao o bagay.

Ang pagiging tapat sa Diyos ang siyang pinakamahalaga. Ang Diyos ang siyang tagpaglikha natin kaya dapat lamang na maging tapat tayo sa kanya. Ang halimbawa nito ay pangungumpisal ng lahat ng mga kasalanang nagawa.

Ang pagiging tapat sa salita at gawa. Maraming tao ang madalas nangangako ng ilang mga bagay sa kanilang kapwa ngunit hindi naman nila tinutupad. Kinakailangan na panindigan niya nag kanyang mga sinabi upang maging tapat siya sa kanyang mga salita at gawa. Ang halimbawa nito ay ang pagtupad sa mga binitiwang pangako.

Upang higt na maunawaan ang paggalang at pagiging tapat bilang bahagi ng pagkakaroon ng maayos na relasyon sa kapawa, basahin ang mga sumusunod na links:

https://brainly.ph/question/315951

https://brainly.ph/question/21079

https://brainly.ph/question/24430