IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng mabilis at eksaktong mga sagot. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

anu ang maganda at hindi magandang naidudulot ng panahong tropikal

Sagot :

Magandang naidudulot:

Isa sa magandang naidudulot ng panahong tropikal tulad ng Pilipinas ay ang maganda at malagong ekonomiya. Ang klima sa Pilipinas ay tinatawag na Tropical Maritime. Ang ating bansa ay nakararanas ng iba't ibang kalagayan ng panahon sa iba't ibang bahagi nito. Bilang bunga nito, iba't ibang uri ng mga tanim ang maaari nating maitanim at maibenta. Sa ating bansa, nakararanas lamang tayo ng tag-ulan at tag-init na nakabubuti para sa mga halaman hindi tulad sa ibang mga bansang nakararanas ng apat na klima.

Isa pang maganddang dulot ng pagkakaroon ng panahong tropikal ay ang maunlad na turismo. Ang mga dayuhang nais maranasan ang ating klima ay pumupunta sa ating bansa. Sa Pilipinas partikular, nakadaragdag din ang ating magagandang tanawin at mga dagat sa pagdagsa ng mga turista.

Hindi magandang naidudulot:

Isang hindi magandang dulot ay may kaugnayan sa Climate Change. Bilang isang tropical na bansa, isa tayo sa unang magkakaranas ng labis na pagtaas sa temperatura at lakas ng mga bagyo at ulan.

#AnswerForTrees

#BrainlyBookSmart