Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.Napapangkat ang ganiyong uri ng pang-bay;1 yaong may pananda at 2 yaong walng pananda.
Gumagamit ng nang ,sa,noong,kung,tuwing,buhat,mula,umpisa,at hangang bilang mga pananda ang pang-abay na pamanahon.
halimbawa:Kailangan bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing Pasko ay nagtititpon-tipon silang mag-anak
May mga pang-abay na walang pananda tulad ng kahapon,kagina,ngayon,mamaya,bukas,sandali atbp.
halimbawa:Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCp