IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.

ano ang pagkakatulad ng psyche at cupid at nagkaroon ng anak sina wigan at bugan

Sagot :

Answer:

Ang Psyche at Cupid ay isang mitolohiya. Ang Wigan at Bugan ay isang mitolohiya rin. Ang dalawang kwento ay tungkol sa tunay na pag-iibigan na nauwi sa magandang katapusan. Ang pagkakahawig ng kagandahang taglay ng mga babae sa dalawang kwento na syang dahilan kung bakit maraming nilalang ang nahuhumaling at naging dahilan ng kanilang pagtatagumpay sa bawat pagsubok.

Explanation:

Ano ngaba ang naging kwento ni Psyche at Cupid?

Psyche at Cupid:

1. Si Cupid ay anak ni Venus. Si Psyche sa matagal na panahon ay hindi pa nag-aasawa.  

2. Si Venus ay nainggit kay Psyche dahil sa kagandahan niya. Dahil rito, inutusan ni Venus si Cupid na paibigin si Psyche sa isang halimaw ngunit nagustuhan niya si Psyche at pinaibig sa kanya.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mitolohiyang cupid at psyche, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/125984

Ano ngaba ang naging kwento ni Wigan at Bugan?

Wigan at Bugan:

  • Hindi mabuntis si Bugan. Naglakbay sa bundok si Bugan upang magpakain sa mga hayop dahil hindi sila magkaanak.
  • Hindi siya kinain ng mga hayop dahil siya raw ay maganda. Sa bundok ay nakita siya ng diyos at tinuruan sina Bugan at Wigan ng ritwal para magkaanak.
  • Dahil rito, ang ritwal ay naging matagumpay at sila ay nagkaanak.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aral ng nagkaroon ng anak sina wigan at bugan, ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/406198

May aral tayong makukuha sa kwentong ito. Ang mga pagsubok ng dalawang magandang babae  ay hindi naging hadlang sa kanilang mga layunin sa buhay. Kayat kung anumang mga pagsubok sa buhay ay wala tayong dahilan para sumuko sa mga ito.

Bakit nga ba may pagsubok ang tao?

Mga naging dahilan:

1. Dahil hindi tayo perpekto.

2. Para maturuan tayo ng leksiyon.

3. Sa bawat pagsubok ay may tagumpay na kaagapay.

4. Makakatulong sa atin upang maging matatag sa araw-araw na hamon ng buhay.

5. Matututo tayong magtiis.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa paghambingin ang mga tauhan, pangyayari at mensahe sa mitolohiyang "cupid at psyche" at "nagkaroon ng anak sina wigan at bugan", ay maaaring tingnan ang link na ito. https://brainly.ph/question/347816