Kasagutan:
Payak na salita
Ang kahulugan ng payak na salita ay mga salita na salitang ugat lamang at walang kasamang panlapi at hindi rin inuulit.
Halimbawa ng payak na salita
- ganda
- dumi
- payat
- itim
- bahay
- taba
- simba
- aral
- prito
- dilim
- Ang ganda ng isang tao ay kukupas din pagdating ng panahon.
- May nakita akong dumi sa bintana kahit nilinis ko na ito.
- Payat ang nahuli naming alimango kaya pinakawalan na lamang namin.
- Itim ang paborito kong kulay pagdating sa mga damit.
- Maliit lamang ang bahay namin sa probinsya ng Negros Oriental.
- Bumili ako ng laman at taba ng baboy sa palengke upang gamiting pansahog.
- Puro simba lamang at aral ang ginagawa ni Gianna at George.
- Nais kong malaman kung ano ang aral ng kwento na ating binasa.
- Hindi maganda ang laging pagkain ng mga pagkaing prito.
- Nilamon na ng dilim ang buong baranggay namin.
#AnswerForTrees
#BrainlyLearnAtHome