Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.
Sagot :
Answer:
Paglalarawan
Ang paglalarawan ay pagpapakahulugan o maari ding pagbibigay turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa na kung tawagin ay pang-uri.
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na ang ibig sabihin ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan.
Halimbawa ng paglalarawan o pang-uri na ginamit sa pangungusap;
- maganda
Maganda ang damit na nabili ni Nena.
- masarap
Masarap ang niluto ni nanay na meryenda.
- matalino
Si Ben ay isang matalinong bata sa aming klase.
- mataas
Mataas ang puno ng niyog.
- pulang-pula
Pulang-pula ang nabiling damit ni Stella.
- mahiyain
Si Marta ay mahiyain dahil hindi siya sumasali sa paligsahan.
- maliit
Maliit ang binigay na tinapay ni Luz sa pulubi.
- masunurin
Si Cyrelle ay isang masunuring anak.
- mataba
Si ate ay mataba dahil siya ay kain ng kain.
- mapayat
Hindi kumakain ng gulay at prutas si Liza kaya siya mapayat.
- malawak
Malawak ang aming silid-aralan.
- malaki
Malaki ang nakuha niyang mangga sa puno.
- kayumanggi
Kulay kayumanggi ang kanyang balat.
- mabait
Si Bb. Cruz ay isang mabait na guro.
- matipid
Palagi siyang may tirang baon si Myrna kaya siya ay matipid.
Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:
Halimbawa ng Pang-Uri; brainly.ph/question/104665
#BetterWithBrainly
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.