Sa limang tema ng heograpiya ang lokasyon ang higit na nakaimpluwensiya sa daloy ng kaunlaran ng isang bansa sapagkat ang kabuhayan at ekonomiya ng isang bansa ay nakadepende sa lokasyon nito. Halimbawa, sa mga lugar na madalas daanan ng bagyo, hindi kailanman magiging maunlad ang mga lugar na ito sapagkat lagi silang nasasalanta ng bagyo, laging may mga nasisirang mga ari-arian lalo na ang mga likas yaman. Kapag ang lugar naman ay nasa magandang puwesto sa komersyo, tiyak ang magiging pag-unlad nito.