IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad.

MGA SALITANG NAGPAPAHAYAG NG POSIBILIDAD

Sagot :

Ang mga salitang nagpapahayag ng posibilidad ay mga salitang na idinudugtong sa pangungusap para magkaroon ng katiyakan ang magiging pangungusap. O di kaya naman ay ang pagkakataong maganap ang mga ito dahil sa ilang mga kondisyon. Ang ilan ay gumagamit nito upang bigyang-dako ang kawalang katiyakan ngunit may laang pag-asa.

Ang ilan sa salitang ginagamit para magpahayag ng posibilidad ay ang mga sumusunod:

  1. Marahil
  2. Sana
  3. Puwede
  4. Maaari
  5. Kung
  6. Posible
  7. May Posibilidad
  8. Sa Palagay ko
  9. Tila

Mga Halimbawang Pangungusap:

  • Marahil – Nakapasa si Pedro sa pagsusulit marahil ay nag aral siya ng mabuti.
  • Sana – Sana ay makataposng pag aaral si Nena.
  • Puwede – Pwedeng maging huwarang mag aaral si Joshua dahil sa kanyang kakayahan.
  • Maaari – Maaari siyang maging guro kung pagsisikapan niyang makatapos ng pag aaral.
  • Kung – Makakahanap ka ng trabaho kung hindi ka nakahiga ay natutulog lang diyan!
  • Posible – Posible na maging Manager natin si Carlo kung patuloy ang kanyang aktibong Gawain sa tindahan.
  • May posibilidad – May posibilidad siyang mabuhay kung madadala agad siya sa malapit na ospital.
  • Sa palagay ko – Sa palagay ko ay magiging maganda ang panahon dahil maliwang ang kalangitan.
  • Tila – Tila uulan dahil sa dilim ng kalangitan.

May iba pang halimbawa ng pangungusap para sa nasabing mga parirala. Para sa iisang paksa ngunit gagamitan ng iba't-ibang parirala ng pagpapahayag ng posibilidad: https://brainly.ph/question/604890; https://brainly.ph/question/351442.

Paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin at pangyayari sa pagsusulat ng sariling dagli?Alamin ang sagot sa https://brainly.ph/question/2056477.