Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

ano ang kahulugan ng nagapi

Sagot :

Kahulugan ng Nagapi

Ang salitang nagapi ay binubuo ng unlaping na- at salitang-ugat na gapi. Ang kahulugan nito ay pagiging bigo na manalo sa isang bagay na pinaglalabanan. Ito'y tumutukoy sa pagkatalo. Dito nasusukat ang lakas, galing, talino o kakayahan ng isang tao o bagay. Ang mga kasingkahulugan ng salitang ito ay natalo, nadaig, nabihag, napasuko o nalupig.

Mga Halimbawang Pangungusap

Gamitin natin sa pangungusap ang salitang nagapi upang mas maunawaan ito. Narito ang halimbawa:

  • Nagapi man sa labanan ang ilang Pilipino noon ay nakamit padin ng Pilipinas ang kalayaan.

  • Hindi nagapi sa patimpalak ang kaklase kong si Bruno dahil araw-araw siyang nag-eensayo.

  • Mabagal tumakbo ang magnanakaw kaya naman madali siyang nagapi ng mga pulis.

Mga malalim na salita at kahulugan:

https://brainly.ph/question/2752020

#LearnWithBrainly