Makahanap ng mga eksaktong solusyon sa iyong mga problema gamit ang IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

sino ang mga tauhan sa mitolohiyang cupid at psyche at ano ang mga katangian nila?

Sagot :

Answer:

Narito ang kasagutan kung sino sino ang mga tauhan sa kwento ng mitolohiyang “Cupid At Psyche”.

Cupid At Psyche mga Tauhan

  1. Cupid  
  2. Psyche  
  3. Venus  
  4. Ama ni Psyche  
  5. Apollo
  6. Ang dalawang kapatid na babae ni Psyche
  7. Zephyr  
  8. Proserphina  

I-Click ang link para sa karagdagang impormasyon:

https://brainly.ph/question/124072

https://brainly.ph/question/314578

https://brainly.ph/question/313579

Explanation:

Cupid At Psyche  

Isinulat ni Lucius Apuleius Madaurensis (Platonicus)

Isinalin ni Edith Hamilton

Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Mga Tauhan sa Kwentong Cupid At Psyche

  • Cupid- Siya ang diyos ng pag-ibig

Ang anak ni Venus. Isang mapagmahal na lalaki at asawa kay Psyche, na handang gawin ang lahat para sa kanyang pinakamamahal na si Psyche.

  • Psyche- Siya ang babaeng kinahuhumalingan ng mga kalalakihan kung kaya’t ang diyosang si Venus ay nag-utos sa anak niyang si Cupid na ito ay paibigin sa isang halimaw.

Siya ang babaeng inibig at minahal ng diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Siya din ang babaeng hindi sumuko sa mga pagsubok na ibinigay sa kanya makita at makasama lang niya ang kanyang pinakamamahal na asawang si Cupid.

  • Venus- Siya ang diyosa ng kagandahan.

Ang ina ni Cupid na nag-utos sa kanya na paibigin si Psyche sa isang halimaw.

Ang nagbigay kay Psyche na napakaraming pagsubok.

  • Ama ni Psyche- ang hari at ama ni Psyche na humingi ng payo sa diyos na si Apollo para sa kanyang anak na si Psyche.

  • Apollo- ang diyos ng Propesiya

Siya ang tumulong kay Cupid upang makamtam nito ang pinakamamahal nito na si Psyche.

Siya din ang hiningan ng payo ng ama ni Psyche.

  • Ang dalawang kapatid na babae ni Psyche- sila ang nagplano ng masama kay Psyche dahil sa nararamdaman nilang pagka inggit dito.

  • Zephyr- ang naghatid kay Psyche sa palasyo at naging tahanan nila ni Cupid. Ito din ang naghatid sa kanyang mga kapatid upang ang mga kapatid niya ay makarating din dito.

  • Proserphina- Siya ang anak ni Demeter at Zeus. Ang napangasawa ni Hades. Ang nagbigay sa kahilingan ni Venus na kumuha ng kaunting kagandahan dito.