Makakuha ng maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Mga Ekspresyon na Nagpapahayag ng
Pananaw
May mga ekspresyon na ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw. Ito rin ay nagpapahiwatig ng pag - iiba o pagbabago ng paksa o pananaw. Ipinahihiwatig ng mga ekspresyong ito ang iniisip at sinasabi. Maging ang pinaniniwalaan ng isang tao. Ang mga ito ay kadalasan nakapaloob sa mga sanaysay.May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag ng relasyon o kaugnayang
Mga Uri ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Pananaw:
1. ayon, batay, alinsunod, sang - ayon sa
Mga Halimbawa:
Alinsunod sa patakaran ng mga gobyerno,mayor, kagawad, kapitn bawal lumbas ang walang facemask.
Sang - ayon sa "Commission on education" ang pag - alis ng Filipino bilang asignatura ay nakasaad sa General Education Curriculum ng 2016.
2. sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay, ni/ng
Mga Halimbawa:
Sa paniniwala ko ang tunay na nagmamahal ay marunong magsakripisyo, makuntento, mag tiis.
Akala ng marami madali ang maghanap ng trabaho.
3. inaakala, pinaniniwalaan, iniisip
Mga Halimbawa:
Inaakala ng marami na ang pag tratrabaho abroad ay madali.
Pinaniniwalaan niyo lang ang mga sabi sabi ng ibang tao.
Iniisip ng iba kung sino ang kanilang bubutohin sa darating na eleksyon
4. sa ganang akin, sa tingin, akala, palagay ko
Mga Halimbawa:
Sa ganang akin dapat na dagdagan pa ng mga mamamayan ang pag - iingat lalo na ngayong may pandemic.
Sa tingin ko nasa tao ang tunay na pagkakaroon ng magandang kapaligiran.
Mga Uri ng Ekspresyong Nagpapahayag ng Pangkalahatang Pananaw
1. sa isang banda, sa kabilang dako
Mga Halimbawa:
Sa isang banda, dapat maging responsable ang mga tao sa kanilang desisyon na pag pili kung sino ang bagong pangulo ng pilipinas.
Sa kabilang dako, dapat na ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagsubaybay sa mga lokal na pamahalaan
2. samantala
Halimbawa:
Samantala nasa tao mismo ang desisyon kung sino ang kanilang bubutohin sa darating na eleksiyon.
#https://brainly.ph/question/160647
#https://brainly.ph/question/269387
#https://brainly.ph/question/152769
#BRAINLYEVERYDAY
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.