Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming mga eksperto ay nagbibigay ng mabilis at eksaktong sagot upang tulungan kang maunawaan at malutas ang anumang problema.

puasa pag aayunong islam

Sagot :

Ang Puasa o Saum ay ang isang ganap na pag-aayuno ng mga muslim Ito ay ginagawa upang tuparin ang turo ng Quran na nagsasabi ng Kayo na naniniwala, ang pag aayuno ay iniuutos sa inyo at inutos din sa mga nauna sa inyo upang inyong matutunan ang disiplina sa sarili.

Paano Ginagawa ang Puasa o pag aayuno

  • Ginagawa ang pag aayuno sa loob ng 29 hanggang 30 araw ng Ramadan. Ang ika siyam na araw sa kalendaryo ng islam.
  • Kinahapunan ng unang araw ng Ramadan, mga bandang ika anim ng hapon ay grupo grupong naliligo ang mga muslim bilang paglilinis at bilang paghahanda sa puasa. Pegga ang tawag sa araw na ito ng mga taga Maguindanao.
  • Naghahanda ng pagkain ang bawat bahay, may pagkakataon na ang bawat handa sa bawat bahay ay dinadala sa Mosque at kanilang pinapakain sa mga naroon.
  • Ang kanduli at paliligo ang simula ng gawaing Ramadan sa loob ng 29 hanggang 30 araw batay sa paglitaw ng bagong buwan.
  • Sa pagitan ng ikatlo at ikaapat ng umaga o bago sumikat ang araw ay ang bawat muslim na may kakayahang mag ayuno ay kumakaing mabuti ng almusal na tinatawag din saul.
  • Pagkakain ng saul o di kaya ay bago sumikat ang araw ay lahat ng uri ng pagkain, maiinom o ano mang dadaan sa bibig ay ipinagbabawal.
  • Pagkakain ay maari ng bumalik sa pagtulog o magbasa ng Quran.
  • Ang pag aayuno ay titigil sa paglubog ng araw. Mayroong mga pagkakataon ang pagtigil ng pag aayuno ay  ginagawa sa bahay ng kanilang datu. O di kaya naman ay  kung sino man sa komunidad na boluntaryong maghahanda ng pagkain. Tinatawag na pembuka ang paghahandang ito.

Ano nga ba ang Quran?

  1. Ang Quran ang pinakabanal na aklat ng mga Muslim.
  2. ito ay ngangahulugan ng recitation.
  3. ang mga muslim ay naniniwala na ang bawat salita na nakasulat sa Quran ay nag mula sa salita ni Allah.
  4. Dahil sa paniniwalang ito kaya hindi pumapayag ang mga muslim na maisalin ang mga salita nito sa ibang wika.
  5. Ang Quran ay binubuo ng 144 na surah o kabanata na kung saan nakatala ang rebelasyon ni allah sa lahat ng tao.  

 

Buksan para sa karagdagang kaalaman

Isalaysay ang mahahalagang pangyayaring nagaganap sa panahon ng pag-aayuno o puasa. https://brainly.ph/question/347329

Ano ang kahulugan ng pag-aayuno? https://brainly.ph/question/1327447

Mga pagbabago at pagpapatuloy sa paniniwalang panrelihiyon https://brainly.ph/question/1874644