Makakuha ng mabilis at eksaktong mga sagot sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Sagot :
Ang pitong
kontinente sa daigdig ay kinabibilangan ng Asya, Europa, Australia,
Hilagang-Amerika, Timog Amerika, Antartika at Africa. Ang Asya ang pinakamalaki
sa pitong kontinente sa buong daigdig na siyang pinaniniwalaang pinagmulan ng
lahat ng kultura at paniniwala dulot ng kabihasnan na humubog sa mga
paniniwalang ito. Ang Europa ay napapalibutan ng Karagatang Artiko sa
hilaga, Atlantiko sa kanluran, ng Dagat Mediteraneo at Dagat Itim sa timog, at
ng Kabundukang Ural sa silangan. Ito ang tinaguriang pangalawa sa pinakamaliit
na kontinente sa buong mundo na siyang sumunod sa Australia kung lawak ang
siyang pagbabasehan. Ang Australia ay malinaw na siyang pinakamaliit na
kontinente sa pitong kontinente sa daigdig ngunit ikaanim na pinakamalaking
bansa sa daigdig dahil ito lamang ang nag-iisang bansa na sumasakop sa iisang
kontinente. Ang Hilagang - Amerika ay tinaguriang pangatlo sa pinakamalaking kontinente sa daigdig ayon sa sakop
nito na siyang sumunod sa Asya at Aprika samantalang pang-apat naman
sa laki ayon sa populasyon, pagkatapos ng Asya, Aprika at Europa. Ang
Timog Amerika naman ay ika-apat kung laki ang pagbabatayan samantalang ikalima
naman kung populasyon ang pagbabatayan. Ang Antarktika ay nasa pinakadulo ng
daigdig na natatakpan ng yelo ang halos kabuuan nito kaya't napakalamig dito.
Ang Africa naman ay pumapangalawa kung laki at populasyon ang
pagbabatayan.
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbabahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Bawat tanong ay may sagot sa IDNStudy.com. Salamat at sa muling pagkikita para sa mas maraming solusyon.