Ang retorika ay may tungkuling pagandahin at patimyasin ang isang pahayag, samantalang ang gramatika ay pinangangalagaan ang kawastuhan para maging malinaw ang pagpapahayag.
Ang retorika ay sining at agham maging pasalita o pasulat na pagpapahayag. Kung kaya't hindi ito magiging matagumpay kung ang gramatika ay hindi sineseryoso.
Sangkap ng Retorika:
1. Kaisipang nais ipahayag.
2. Pagbuo ng mga pahayag.
3. Istilo ng pagpapahayag.
Ang mga sangkap na iyan ay nakasalalay pa rin sa gramatika:
1. Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita.
2. Tamang paggamit ng salita.
3. Tamang pag-uugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipan o ideya.