Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

paano makakatulong ang sanaysay sa pagkakaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa?


Sagot :

Answer:

Nakakatulong ang sanaysay sa pagkakaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa dahil mas higit nating nauunawaan ang mga bagay-bagay na nakapaligid sa atin at sa kung ano ang layunin ng mga ito. Mas higit nating naunawaan ang mga katotohanang nagaganap sa ating bansa.

Explanation:

Sanaysay

Ang sanaysay ay ang pagsasalaysay ng mga bagay na may saysay. Ipinapakita nito na ang pagsasagawa ng sanaysay ay may hatid na kaalaman para sa lahat. Sa pamamagitan nito, naibibigay ng mga manunulat ang kanilang mga opinyon at mga ideya may kinalaman sa iba't ibang paksa lalo na pagdating sa ating bansa. Nagkakaroon ng mas malawak na isipan ang lahat tungkol sa mga bagay na dapat alamin o dapat panatilihin at baguhin. Malaki ang nagagawa ng sanaysay. Hindi lamang ito para mailabas ang mga niloloob ng isa kundi naibibigay din nito ang mga impormasyon na kailangan ng lahat. Sa tulong nito, mas nagkakaroon ng gising na mga mamamayan.

Ang tulong ng Sanaysay sa ating Kultura at Kaugalian

Malaki ang maitutulong ng sanaysay sa kamalayan sa ating kultura at kaugalian ng isang bansa sapagkat ito ay isang paraan ng pagsulat upang maisalaysay ang mga kahalagahan ng ating kultura at bakit mahalaga ito na panatilihin at pagyamanin. Makakatulong ito na mabuksan ang isip ng mga mamamayan na mas bigyang pansin ang sariling yaman ng bansa at hindi ng ibang bansa. Nakakatulong ang sanaysay para maipakita na mayroon ang mga Pilipino na maipagmamalaki at dapat ingatan pa.

Mga higit pang impormasyon na nagbibigay ng sagot tungkol sa maitutulong ng sanaysay para magkaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa:

  • https://brainly.ph/question/202487
  • https://brainly.ph/question/152763
  • https://brainly.ph/question/221328