Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.

saan matatagpuan ang greenland,madagascar,borneo,mt.everest,mt.kilimanjaru,sahara,himalayas,andes mountain,appalacha,tibetan plateau,devil arabian sea

Sagot :

Answer:

Greenland

Ang Greenland ay isa sa mga bansang kabilang sa kaharian ng Denmark. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng mga karagatan ng Arctic at Atlantic. Ang Greenland ay sinasabing pinakalamaking isla na matatagpuan sa buong mundo. Ito ay nababalutan ng yelo. Ang Greenland ay mayrong kabuuang bilang na 56,480 na mamamayan base sa 2013 na datos.

Ang ilan sa mga wikang sinasalita sa Greenland ay ang mga sumusunod:

  1. Greenlandic
  2. Danish
  3. English

Madagascar

Ang Madascar ay isang bansa na matatagpuan sa karagatan ng Indian. Ito ay kinilala noon bilang "Malagasy Republic". Ang Madagascar ay ang ikaapat sa malalaking isla sa buong mundo.

Borneo

Ikatlo sa pinakamalalaking isla sa mundo at pinakamalaking isla sa Asya, ang Borneo ay kabilang sa mga isla ng Indonesia. Ito ay makikita sa hilaga ng Java, kanluran ng Sulawesi, at silangan ng Sumatra

Mt. Everest

Ang Mt. Everest and pinakamataas na bundok sa buong mundo. Ito ay may taas na mahigit sa 8,842 na kilometro at kabilang sa Himalayas. Dahil sa haba, ito ay matatagpuan sa Nepal at China

Mt. Kilimanjaro

Ang Mt. Kilimanjaro ay ang pinakamataas na bundok na makikita sa Africa. Ito ay may taas na halos 4,900 metro. Ito ay matatagpuan sa Tanzania. Ang Mt. Kilimanjaro ay isang hindi aktibong bulkan na may tatlong volcanic cones. Ito ang mga sumusunod

  • Kibo
  • Mawenzi
  • Shira

Sahara

Ang Sahara ay isang disyerto na matatagpuan sa Africa. Ito ang pinakamalaking tuyong disyerto sa mundo na may lawak na halos 9,200,00 kilometro kwadrado. Ito ay halos maikukumpara sa mga bansang China at Estados Unidos. Sa Sahara makikita ang isa sa mga malalaking sand dunes

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Sahara

https://brainly.ph/question/245612

Himalayas

Ang Himalayas ay tumutukoy sa bulubundukin o mountain range na matatagpuan sa Asya. Ito ang naghihiwalay sa Indian na subcontinent mula sa Tibetan Plateau. Ang Mt. Everest ay kabilang dito.

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa paglalarawan sa Mt. Everest

https://brainly.ph/question/126288

Andes Mountain

Ang Andes o Andean Mounains ang pinahabang bulubundukin o mountain range sa buong mundo. Ito rin ay ikalawa sa pinakataas na bundok sa mundo, sa taas na 7,000 kilometro.

Appalachia

Ito ay isang kultural na rehiyon na matatagpuan sa Silangang bahagi ng Estados Unidos. Ito ay dumadaan mula sa New York City hanggang sa Alabama at Georgia. Ito ay kabilang sa kontinente ng Amerika

Tibetan plateau

Ang Tibetan Plateau o kilala rin bilang :Qing Zang Plateau, ay matatagpuan sa bansang China. Ito ang panakamataas na talampas na matatagpuan sa Gitnang Asya.

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa Tibetan Plateau

https://brainly.ph/question/149819

Devil Arabian Sea

Ang Arabian Sea ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Indian Ocean. Ito ay napalilibutan sa hilaga ng Pakistan at Iran, sa kanluran ng Gulf of Aden, sa silangan ng India, at sa timog silangan ng Somali sea.  Ito ay tinatayaang may lalim na mahigit sa 4,652 na metro at lawak na humigit kumulang na 3,862,000 metro kwadrado. Ito ay mayroong "dead zone" o lugar na kung saan wala itong oxygen. Ang "dead zone" ay bahagi ng Arabian sea na matatagpuan sa Gulf of Oman.