Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

ano po ang kahulugan ng salitang teheras, paanas, mapapakagat-labi,walang-imik,abaloryo,pupitre,pambubuska , pagyayabang?

Sagot :

Ang ibig sabihin ng teheras ay isang daanan sa gilid ng kalsada at kalimitang tinutulugan ng mga pulubi. Ang paanas naman ay pagsasalita na halos pabulong. Ang ibig sabihin ng mapapakagat-labi ay ang paraan ng hindi sinasadyang pagkagat ng labi habang may ginagawa. Ang walang imik ay nangangahulugan hindi kumikibo o hindi nagsasalita. Ang ibig sabihin ng abaloryo  isang uri ng babasaging butil na maaaring gamiting pangdekorasyon kapag pinagsama-sama maaaring sa damit at iba pa. Ang pupitre ay ang sulatan. Ang ibig sabihin ng pambubuska ay walang katapusang panunukso at pambibwisit. Ang ibig sabihin ng pagyayabang ay ang pagkakaroon ng masyadong mataas na pagtingin sa sarili.