Makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong mula sa komunidad ng IDNStudy.com. Alamin ang mga detalyadong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming malawak na kaalaman sa mga eksperto.
Ang pang-abay na pamanahon ay nagtutukoy sa oras o panahon ng isang bagay. Ito ay sumasagot sa tanong na "kailan?".
Halimbawa:
Bukas ang kaarawan ko.
May pagsusulit kami sa Lunes.
Bibigyan ko ng regalo si Maria sa Disyembre.
Ang pang-abay na panlunan ay nagtutukoy sa pook o lugar kung saan ang isang kilos ay nangyari. Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?"
Halimbawa:
Bibili ako ng maraming prutas sa palengke.
Doon ako matutulog sa bahay ng aking matalik na kaibigan.
Nagkita kami ni Ben sa parke.