Ang
alegorya ng Yungib ni Plato ay nagpapahiwatig sa tunay na estado ng lipunan, ng mga taong naninirahan dito at ng mga taong namumuno dito. Ipinapahayag dito ang tungkol sa kaganapan sa lipunan kung
saan karamihan sa mga tao ay nabulag, nagbubulag-bulagan, o hindi nakikita ang
katotohanan sa likod ng mga huwad na katotohanang inihaharap sa kanila.
Nagmimistula silang aninong nakatago sa mga piling katotohanang , ang
katotohanang hindi makalabas, makagalaw at makapagsalita mula sa yungib na
kinabibilangguan nito. Ito ay tungkol sa pagtutuos sa pagitan ng
katotohanan sa ibabaw ng yungib at sa katotohanang sa madilim na yungib
makikita.