Ayon kay Plato, ang mga taong walang edukasyon ay parang
bilanggo sa isang kweba. Sa kanyang pananaw, pawang mga anino lamang ng
katotohanan ang mga imahe ng mga bagay na nakikita nila sa mundo . Ang tunay na
imahe ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya.’
Ayon sa kanyang sanaysay, ang mga konsepto ng mga bagay ay nasa isipan na
ng tao mula kapanganakan. Kakailanganin lamang na gamitin ang
pangangatwiran upang sila’y matuklasan.