IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng mga maalam na sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.

pa help po need ko na po mamaya thank you:)

Pa Help Po Need Ko Na Po Mamaya Thank You class=

Sagot :

Answer:

1. Moriones-

Ang Moriones ay isang taunang pista na ginaganap tuwing Mahal na Araw sa pulo ng Marinduque, Pilipinas. Sa Moriones, nakadamit at nakamaskara ang mga tao bilang mga sundalong Romano ayon sa nasaad sa Bibliya sa kuwento ng pagpapasakit ni Hesus.

2. Ati-Atihan-

Ang Pistang Ati-Atihan ay isang pistang Pilipino na ginaganap taun-taon sa Enero sa karangalan ng Santo Niño sa mga iilang bayan sa lalawigan ng Aklan, Panay. Nagaganap ang pinakamalaking pagdiriwang sa ikatlong Linggo ng Enero sa bayan ng Kalibo, ang kabisera ng lalawigan.

3. Ang mga pagdiriwang sa Pilipinas ay ang anumang pag-alaala at pagdaraos na ginaganap sa Pilipinas bawat taon. Kinabibilangan ito ng masasayang mga selebrasyon at pagsasakatuparan ng mga kapistahan. Dahil sa mga okasyon ang mga ito, karaniwang kinasasangkutan ito ng mga punsiyon o pagtitipon, mga seremonya, at mga parada. Ilan sa mga halimbawa ng ganitong mga pestibal ang mga pagpipista ng mga Pilipino upang alalahin ang Pasko o araw ng mga santo, kaarawan o araw ng kapanganakan ng Pangulo ng Pilipinas, ang Sayaw sa Obando, at ang Pasko ng Pagkabuhay.

4. Higantes-

Ang Fiesta ng Higantes ay isang napakahalagang selebrasyon sa Pilipinas dahil sa mga sumusunod na dahilan. Una, ang fiesta na ito ay importante para sa mga tao lalo na sa Angono. Bago magsimula ang selebrasyon, ang paggawa muna ng mga higante ang nauuna. Ang mga higantes ay mga malalaking taong gawa sa kahoy. Mayroon ding mga masasarap na pagkain sa pistang ito.

5. Ramadan-

Ang Ramadan (Arabe: رمضان, Ramaḍān) ay isang kaganapang pang-relihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung saan naihayag ang Qur'an. Ito ang panahon ng pag-aayuno na iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw. Nagtatapos ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa. Ang pag-aayuno ay ginagawa para maturuan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging mapaghintay. Ito ay ginagawa para sa Diyos o tinatawag nilang Alah, at pagdasal ng mas marami kumpara sa dati. Ito'y panahon kung saan humihingi ng patawad para sa kanilang mga kasalanan ang mga muslim,dasal para sa kanilang kaligtasan at para malayo ang masamang espirito sa araw-araw na buhay at sinusubukang rin nilang malinis ang kanilang sarili sa pamamagitan ng disiplina at kawang gawa.

note: May minor errors sa mga words ayaw ma post. kung may makita kayong typographical errors sinadya koyon, Ty

Make it brainliest!!