Tuklasin kung paano ka matutulungan ng IDNStudy.com na makuha ang mga sagot na kailangan mo. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Ano Ang Kaganapan Sa Buhay Ni Andres Bonifacio​

Sagot :

  • Ano Ang Kaganapan Sa Buhay Ni Andres Bonifacio
  • Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa kung ano ang dapat na Pilipinong bansa. Siya ay kinikilalang “Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino“ at kilala sa tawag na Supremo.
  • Si Bonifacio ay hindi ipinanganak na mahirap. Ang kanyang ina ay half-Spanish at may sarili siyang tagaturo. Ngunit hindi naging madali sa kanya ang buhay nang pumanaw ang kanyang mga magulang noong 14 na taong gulang siya dahilan upang matigil siya sa kanyang pag-aaral. Sa kabila ng kanyang kakulangan sa pormal na edukasyon, tinuruan niya ang kanyang sarili na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog, na naging dahilan upang makakuha siya ng trabaho bilang clerk-messenger sa isang kompanyang Aleman. Sinasabing interesado si Bonifacio sa klasikong kanluraning rasyonalismo at mahilig magbasa ng mga gawa nina Victor Hugo, Jose Rizal, at Eugene Sue. Siya ay nagkaroon ng isang malalim na interes sa pagbabasa ng mga libro sa French Revolution at ang mga buhay ng mga presidente ng Estados Unidos dahilan upang makakuha siya ng isang mahusay na pag-unawa sa mga socio-historical na proseso. Ang kanyang hangarin na mabago ang kalagayan ng kanyang mga kababayan sa ilalim ng kolonyalismo ang nagbigay daan sa pagsali niya sa La Liga Filipina. Ang La Liga Filipina ay itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982 sa layuning pagkaisahin ang mga Pilipino upang makapagsimula ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at pagbuo sa bansa.
  • Paglabas ng Katipunan
  • Apat na araw pagkatapos ng pagkatatatag ng Liga, noong Hulyo 7, 1892, itinuloy ni Andres Bonifacio ang pakikibaka at nabuo ang Kataastaasan Kagalanggalang Ang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan sa bahay ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga, Maynila.
  • Ito ay sa kabila ng pagdakip at pagpapaalis ng nga Espanyol kay Jose Rizal isang araw ang nakararaan.
  • Sa isang maliiit na kuwartong naiilawan lamang ng isang lampara isinagawa ang sandugo kung saan ang mga kasapi ay pumirma mula sa dugo ng kanilang mga bisig na sumisimbolo sa kapanganakan ng Katipunan.
  • Ang sandugo ay isang pangako rin ng pag-ibig at kapatiran sa bawat kababayan. Naniniwala ang mga Katipunero na makakamit lamang ang tunay na kaginhawaan at kalayaan kung ang mga tao ay may mabuting kalooban para sa bawat isa.
  • Dahil dito, ang Katipunan ay hindi lamang isang organisasyong may layuning patalsikin ang imperyong Espanyol, ngunit nais nito ang tunay na pagkakaisa sa isip at puso ng mga Tagalog sa ilalim ng isang Inang Bayan na naghahanap ng maliwanag at tuwid na landas.