IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. Ang isang tao ay hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang kanyang sarili at makapaglingkod sa kapwa, pamayanan, at bansa kaya kinakailangang isilang at mabuhay siya (De Torre, 1992). Tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan, at palaguin ang sariling buhay. Sa panahon ngayon, nakakalungkot lamang isipin na marami nang gawain ang tao na taliwas at tuwirang nagpapakita ng kawalang-halaga, pag-aabuso, pagpapabaya sa kasagraduhan ng buhay. Halina’t pag-usapan natin ang iba’t ibang mga isyu tugkol sa buhay. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay "Isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon." (Agapay,2007) Tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, ang alkoholismo o labis na pagkonsumo ng alak ay may masasamang epekto sa tao. Ito ay unti-unting nagpapahina sa kanyang enerhiya at kawalan ng pokus. Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 2007) Pagpapatiwakal ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maituring na isang gawain ng pagpapatiwakal. Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit.

1.Sa iyong palagay, ang mga nabanggit ba na mga isyu ay nakalabag sa paggalang sa buhay ng tao?Ipaliwanag. ​

2. Bilang mag-aaral, paano mo ipakita ang paggalang sa buhay?


Sagot :

Answer:

2. Bilang mag-aaral maipapakita ko ang paggalang ko sa buhay sapamamagitan ng hindi paggawa ng kremin at ang hindi paggamit ng ipnagbabawal na gamot o papahalagahan ko ang aking buhay dahil biyaya ito sa atin ng Diyos.

1. Oo, dahil gaya ng isyu na nabanggit sa aking nabasa ay ang pagkitil ng ating sariling buhay at ang pagpapalaglag sa bata ay wala tayong karapatan na kitilin ang ating buhay o kumitil ng ibang buhay dahil ang pagpapalaglag ay isang malaking kasalanan.Ibinigay ng Diyos ang bata na isang malaking biyaya kaya dapat natin itong tanggapin at mahalin.