Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

KONTRIBUSYON NG RENAISSANCE SA IBA'T IBANG LARANGAN​

Sagot :

Answer:

Larangan ng Panitikan

15. Francesco Petrarch Ang “Ama ng Humanismo”. Pinakamahalagang sinulat niya sa Italyano ang “Songbook,” isang koleksiyon ng mga sonata ng pagibig sa pinakakamahal niyang si Laura.

16. Giovanni Boccacio • Ang kaniyang pinakamahusay na panitikang piyesa ay ang “Decameron”, isang tanyag na koleksyon na nagtataglay ng isandaang (100) nakatatawang salaysay.

17. William Shakespeare Ang “Makata ng mga Makata.” Ilan sa mga sinulat niya ang mga walang kamatayang dula gaya ng: Julius Caesar, Romeo at Juliet, Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet.

18. Desiderious Erasmus • “Prinsipe ng mga Humanista.” • May-akda ng “In Praise of Folly” kung saan tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.

19. Nicollo Machievelli • Isang diplomatikong manunulat na taga Florence, Italy. May-akda ng “The Prince.”

20. Miguel de Cervantes • isinulat niya ang nobelang “Don Quixote de la Mancha,” aklat na kumukutya at ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.

21. Larangan ng Sining

22. Michelangelo Bounarotti • Ang pinakasikat na iskultor ng Renaissance. • Ipininta niya sa Sistine Chapel ng Katedral ng Batikano ang kuwento sa Banal na Kasulatan tungkol sa pinagmulan ng sandaigdaigan hanggang sa pagbaha. • Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng Kaniyang Krusipiksyon.

23. Leonardo da Vinci • Isang henyong maraming nalalaman sa iba’t ibang larangan. • Hindi lang siya kilalang pintor, kundi isa ring arkitekto, iskultor, inhinyero, imbentor, siyentista, musikero at pilosoper. • The Last Supper at Monalisa

24. Raphael Santi • “Ganap na Pintor”, • “Perpektong Pintor”. Pinakamahusay na pintor ng Renaissance. Kilala sa pagkakatugma at balanse o proporsiyon ng kanyang mga likha. • “Sistine Madonna”, • “Madonna and the Child” at “Alba Madonna.”

25. Larangan ng Agham

26. Nicolas Copernicus • Teoryang Heliocentric; • Ang daigdig kasama ng iba pang planeta ay umiikot sa paligid ng araw.

27. Galileo Galilei • Isang astronomo at matematiko, noong 1610. Malaki ang naitulong ng kaniyang na imbentong teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.

28. Sir Isaac Newton • Ang higante ng siyentipikong Renaissance. • Batas ng Universal Gravitation

29. Law of Universal Gravitation Ang bawat planeta ay may kaniya-kaniyang lakas ng grabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastong lugar ang kanilang paginog. Ipinaliwanag niya na ang grabitasyong ito ang dahilan kung bakit bumabalik sa lupa ang isang bagay na inihagis pataas.

30. ANG KABABAIHAN SA RENAISSANCE

31. Sa panahon ng Renaissance, iilang kababaihan lamang ang tinanggap sa mga unibersidad o pinayagang magsanay ng kanilang propesyon sa Italy. Gayunpaman, hindi ito naging hadlang upang makilala ang ilang kababaihan at ang kanilang ambag sa Renaissance.

32. Isotta Nogarola May akda ng Dialogue on Adam and Eve (1451) at Oration on the Life of St. Jerome (1453) na kakikitaan ng kaniyang kahusayan sa pag-unawa sa mga isyung teolohikal.

33. Laura Cereta Bago mamatay sa gulang na 30 ay isinulong ang isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan.

34. Tula Vittoria Colonna Veronica Franco

35. Pagpipinta Sofonisba Anguissola Artemisia Gentileschi