IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

panuto Buuhin ang ibigay ang kata ngian ng bawat ideolohiya.Demokrasya .Sosyalismo.komunismo. mga ideolohiya sa Asya at katangian nito​

Sagot :

Answer:

Ang demokrasya (Griyego: δημοκρατία, dēmokratiā, mula sa dēmos 'mga tao' at kratos 'pamamahalaan') ay isang uri ng pamamahala kung saan may awtoridad ang mga tao upang piliin ang kanilang namamahalang lehislasyon. Kung sinu-sino ang mga tao at kung paano hinahati ang awtoridad ang mga pangunahing suliranin para sa teorya, pagsusulong, at saligang batas ng demokrasya. Kabilang sa pundasyon ng mga suliraning ito ang kalayaang magtipon-tipon at magsalita, inklusibidad at pagkakapantay-pantay, pagkamamamayan, pagsasang-ayon, pagboboto, karapatang mabuhay at mga karapatan ng minorya.

Ang Sosyalismo ay tumutukoy sa malawak na sistema ng teoryang ekonomiko ng panlipunan organisasyon na nagtataguyod sa estado o sa sama-samang pagmamay-ari o pamamahala sa paggawa at pamamahagi ng mga kagamitan, at ang lipunan ay kilala sa pagkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon sa lahat ng indibidwal na may patas o igualitaryang pamamaraan ng pasahod

Ang Komunismo (mula sa Latin na communis, para sa lahat o pankalahatan) ay isang ideolohiya na ekonomiko, pilosopikal, politikal at sosyal na umaayon sa pagtatag ng organisasyong panlipunan na walang estado at kaantas-antas batay sa pantay na laki o height sa gamit ng produksiyon na tinatawag na lipunang komunista, na nakabalangkas sa pagmamay-ari ng buong lipunan ng means of production at pagkawala ng salapi at ng klaseng sosyal. Maaring isa itong sanga ng kilos sosyalista. Ang komunista ay tumubo sa maraming uri na nangaling sa iba't ibang tao at kultura. Mga example ay ang Maoismo, Trotskismo, Luxemburgismo, anarkismo-komunismo

Explanation:

sana ok