Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Biyaya na buhay iyong ibinigay
Lubos na sakripisyo iyong inalay
Alaga’t aruga na walang kapantay
Aking naramdaman sa iyong mga kamay.
Unang ABAKADA sa ’yo natutunan
Bago ituro sa ’kin sa paaralan
Mistulang “classroom” ang loob ng tahanan
Habang ako ay iyong tinuturuan.
Sa aking paglaki aking nasaksihan
Kung papaano mo ako protektahan
Sa langaw at lamok di padadapua
Sa lahat ng oras laging babantayan.
Lagi kang nariyan upang umalalay
Payo at pangaral mo, mistulang gabay
Sa landas na tatahakin ko sa buhay
Aking iaalay para sa ’yo Nanay.
Good day here is my poem hope it helps
btw mas okay kung kayo gagawa ng sariling nyong tula at mag find nalang ng clue.