IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman at mga sagot. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makakuha ng eksaktong tugon sa lahat ng iyong mahahalagang tanong.

Kaugnayan ng
edukasyon sa pa-
mumuhay ng mga
Asyano​


Sagot :

answer:

May pangunahing bahagi ang edukasyon sa kultura at tradisyon ng mga Asyano. Sa Asya malaki ang pagpapahalaga ng mga tao sa edukasyon.

1. Si Confucius bilang pangunahing pilosopo sa China ay naniniwala na ang mga tao ay napapagaling at napapahusay sa pamamagitan ng wastong pag-aaral. Binigyan-diin niya ang kapangyarihan ng edukasyon na mapabuti ang lipunan at ang maituro ang mabuting pagkamamamayan.

2. Sa lumipas na mga siglo, ang edukasyon ay naging pundasyon sa pampulitika, panlipunan, pangkabuhayan at pangkulturang pamumuhay ng mga Asyano.

3. Sa Asya: Binigyan-diing din ang pagtuturo ng edukasyong pagpapahalaga o values education. Karamihan sa mga magulang ay handang tiisin ang hirap ng pagkita ng pera mapag-aral lang ang kanilang mga anak.

4. Naniniwala ang mga Asyano na ito ay pinakamabisang paraan upang matakasan ang kahirapan.

5. Maraming kwento ng mga ina sa iba't-ibang panig ng Asya ang naging testimonya sa pagpapahalagang ito sa edukasyon tulad ng isang Haponesang ina na naniniwala na ang pangunahin niyang gawain ay turuan ang kanyang anak ganun din ang isang inang Tsina na sa mahabang panahon ay nagtiis na pumasok sa malayong lugar upang maituro ang kanyang natutunan sa kanyang anak na may kapansanan, gayundin ang kwento ng isang inang Koreana na napilitang ibenta ang alagang baka matustusan lang ang pag-aaral ng anak. Ang mga kwentong ito ay di bago sa mga Pilipino sapagkat ganito din kalaki ang pagpapahalaga natin sa edukasyon.

6. Ilan sa mga isinulat ni Mahatma Ghandi at Rabindranath Tagore ng India ay nagpatotoo rin sa pagpapahalagang ito ng mga Asyano sa edukasyon. Kung kaya't di kataka-taka na malaki ang inaasahan ng mga Asyanong magulang at mga guro sa mga kabataan.

7. Maraming pag-aaral ang nagpapakita na ang paniniwalang ito ng mga magulang kasama ang mataas na uri ng kurikulum, mahabang oras sa pag-aaral, masususing paghubog ng mga intelektwal na kakayahan, pagsuporta ng mga magulang, at mabuting ugnayan ng mga guro at mag-aaral ay mga salik sa ikatatagumpay ng mga mag-aaral kung kaya't batid natin na mataas din ang antas ng karunungan ng mga Asyanong mamamayan.

explanation

[tex]____________________________________________[/tex]

[tex]____________________________________________[/tex]

[tex]\sf\underline{{\: ANSWER:}}[/tex]

  • May pangunahing bahagi ang edukasyon sa kultirs at tradisyon ng mga Asyano. Sa Asya malaki ang pag-papagahalaga ng mga tao sa edukasyon.

#CarryOnLearning

[tex]____________________________________________[/tex]

[tex]____________________________________________[/tex]