IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay may malinaw na sagot. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.
anwer:
Ang pasasalamat sa ating Ama sa Langit na ipinahahayag sa panalangin ay nakapagdadala ng kapayapaan—kapayapaang poprotekta sa ating kaluluwa mula sa pagkasira na sanhi ng mga bagay na wala tayo. Ang pasasalamat ay naghahatid ng kapayapaan na tumutulong sa atin na madaig ang sakit ng paghihirap at kabiguan. Ang araw-araw na pasasalamat ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kung anong mayroon tayo ngayon, anuman ang mayroon tayo noon o anuman ang nais nating makamtan sa hinaharap. Ang pagkilala at pagpapahalaga sa mga kaloob at talentong ibinigay sa atin ay tinutulutan din tayong kilalanin na kailangan din natin ng tulong mula sa mga kakayahan at talento ng ibang tao.