IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga solusyon. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

6. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay?
A. Upang mas maunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
B. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos.
C Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
D. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga Salita.

7. Paano dapat pinapahalagahan ng tao ang pagmamahal ng Diyos sa kanya?
A. Sa pamamagitan lamang ng pananampalataya (faith).
B. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaniyang pananampalataya.
C. Sa pamamagitan ng pag-iingat at paglilinis ng Bibliya araw-araw.
D. Sa pamamagitan ng pagsisimba tuwing araw ng Linggo o Sabado.

8. Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba saan man siya kaanib na relihiyon. Bakit?
A. Ito ay makatutulong sa tao upang mas lalong lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos.
B. Ito ay makatutulong sa tao upang mas maunawaan kung paano nito maisasabuhay ang kaalaman na napulot sa pagsisimba.
C. Ito ay makatutulong sa tao upang mapalalim ang kanyang pananampalataya.
D. Lahat ng nabanggit.


Sagot :

Kaugnayan sa Diyos

Ang ating pagkakaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos ay malaking tulong mismo sa buhay natin. Sa pamamagitan ng pagninilay o pananahimik, nahuhubog nito ang pagkatao natin at nauunawaan ang mensahe ng Diyos. Isa pa, kailangan natin pahalagahaan ang pagmamahal ng Diyos sa atin upang mas tumibay ang kaugnayan natin sa kaniya.

Mga Kasagutan sa Tanong:

6. A

7. B

8. D

Maaaring tandaan ang mga puntong ito sa iyong buhay at bulay-bulayin ito:

  • Pinakikita nito na ang pagkakaroon ng magandang kaugnayan sa Diyos ay nagbibigay sa atin ng pag-asa sa araw-araw. Nagkakaroon tayo ng matibay na pananampalataya sa kaniya at lumalalim ang pag-ibig sa kaniya. At napapanatili rin nito ang kapayapaan ng isip natin. Kaya patuloy natin isagawa ang pagninilay-nilay sa buhay natin nang sa gayon ay makapagbagong buhay at patuloy natin na masundan ang utos ng Diyos. Sikapin natin na manahimik sandali at magbulay-bulay sa mga natututuhan natin sa Bibliya at maging sa nagawa natin sa maghapon, at kung nakagawa man ng pagkakamali ay sikapin na agad na magsisi.

  • Isang bagay rin ang pagsisimba o pagsamba sa Diyos tuwing linggo. Huwag natin ipagpaliban ang ganitong araw o kaya hindi dumalo dahil paraan ito ng malapit na kaugnayan sa Diyos. Napapalawak rin nito ang kaalaman natin sa kaniyang salita, ang Bibliya at sumusulong rin ang espirituwalidad natin. Panatilihin ang pagninilay-nilay sa buhay natin para maisagawa natin ang mga bagay na ito sa sarili natin.  

  • Kaya pahalagahan ang espirituwal na rutin natin. Kahit nasa bahay tayo, sikapin natin na magbasa ng bibliya at patuloy na manalangin upang hindi mapabayaan ang mga ito. Gumawa ng kinakailangan na mga hakbangin sa buhay kung nais natin na patibayin ang ating espirituwalidad. Tayo rin mismo ang makikinabang dito, at tiyak na pagpapalain ng Diyos ang ating mga munting pagsisikap para sa kaniya. Ipakita sa Diyos na iniuuna natin siya sa buhay natin bago ang ilang mga bagay, at patuloy na magnilay-nilay.

Kung may pagnanais ka pang makapagbasa, bisitahin mo nalang itong mga links na ito na nasa ibaba na may kaugnayan sa paksa:

Ano ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos sa atin: brainly.ph/question/10434757

Mga ibig sabihin ng salitang pagninilay-nilay:

brainly.ph/question/300834

brainly.ph/question/1648221

#BrainlyEveryday