Makakuha ng detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong gamit ang IDNStudy.com. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Answer:
Ang bayan (munisipalidad) ay isang bahagi ng lokal na pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga lalawigan ay binubuo ng mga lungsod at mga bayan. Ang mga bayan naman ay binubuo ng mga barangay o barrio (baryo).Ang mga bayan ay may autonomiya sa pambansang pamahalaan ng Republika ng Pilipinas. Ang mga ito ay pinapayagang gumawa ng kanilang sariling mga pang-ekonomiya, industriya at pampolitika na pagpapaunlad ng Pambansang Pamahalaan sa pamamagitan ng pambansang batas na tinatawag na Local Government Code (o Lokal na Kodigo ng Pamahalaan) ng 1991[1]. Sa batas na ito, ang mga pamahalaang lokal ay pinapayagang mamahala, gumawa ng mga alituntunin o pang-lokal na mga ordinansa, at ipatupad ito, at pamahalaan ang kanyang lugar ng sakop. Sila ay maaaring pumasok sa mga pribadong transaksiyon at negosyo sa pamamagitan ng paghalal at pagtalaga ng mga opisyal at lokal na bubuwisan. Sila ay inaatasang ipatupad ang mga batas, mapa-lokal man ito o pambansa. Ang Pambansang Pamahalaan ay umaalalay, nagbabantay at nagsisiguro na ang mga lokal na pamahalaan ay hindi lumalabag sa batas pambansa.
Explanation:
HOPE IT HELPS
#CarryOnLearning
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Salamat sa pagbisita sa IDNStudy.com. Nandito kami upang magbigay ng malinaw at tumpak na mga sagot.