Makakuha ng detalyadong mga sagot sa lahat ng iyong tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Patungkol saan and Paglipas ng Isang Oras
Maikling Kuwento- (Iran​


Sagot :

PAGKALIPAS NG ISANG ORAS AY DARATING NA

SILA!

Mayroon isang babae na hindi niya

nirerespeto ang pamilya ng kanyang

asawang lalaki.

At minsan habang sila ay nasa sala at nag-

uusap, sinabi ng lalaki na kanyang asawang

babae: Asawa ku, namimiss ku ang aking

pamilya, magulang ku, kapated ku, mga

pamangkin ku, at kung maari ay magluto ka

bukas ng pangtanghalian dahil gusto ku

silang imbitahan dahil dahil matagal na

kaming hindi nagkita-kita at natipon.

Ang sabi naman ng babae: insha Allah, ay

magiging maayos ang lahat.

Kinabukas ay pumasok ang lalaki sa trabaho

at sa tanghali ay umuwi siya ng maaga sa

kanilang bahay, at kanyang tinanung ang

kanyang asawang babae: asawa ku,

mayroon kabang nalutong pangtanghalian

para sa aking pamilya? Dahil sila ay darating

pagkalipas ng isang oras, in sha Allah.

Sumagot ang babae: hindi aku nagluto dahil

hindi naman mga estranghero o ibang tao

ang iyong pamilya, kakain naman sila kung

anu ang pagkaing nasa bahay.

Sabi ng lalaki: patawarin ka ng Allah, bakit

hindi mo sinabi saakin mula kahapon pa na

hindi ka magluluto? paglipas ng isang oras

ay darating na sila, at anu ang aking

gagawin.

Sabi ng babae: tawagan mo sila at humingi

ka sa kanila ng paumanhin, at sabihin mong

hindi naman sila ibang tao, sila ay pamilya

mo.

Lumabas ng bahay ang lalaki at kanyang

ipinakita sa kanyang asawa na galit siya sa

kanyang ginawa.

Pagkaraan ng ilang minuto ay mayroong

dumating na komakatok sa kanilang

pintuan, at pagbukas ng babae, siya ang

nabigla, ang kanyang magulang, kapated, at

mga pamangkin ang nasa pintuan ng

kanilang bahay.

At pagpasok nila, ay tinanung agad ng tatay

ng babae kung nasaan ang kanyang asawa,

at ang sabi ng babae ay lumabas siya ng

bahay kanina pa.

Sabi ng kanyang ama: nakakapagataka,

kami ay kanyang inimbitahan pagkatapos ay

wala siya ngayon sa inyong bahay.

Nabigla ang babae, at hindi niya alam ang

kanyang gagawin dahil hindi siya nagluto, at

ang pagkain na meron sila sa oras na yaon

ay hindi bagay sa kanyang pamilya kundi sa

pamilya lamang ng kanyang asawang lalaki.

Tumawag ang babae sa kanyang asawa :

bakit hindi mo sinabi na inimbetahan mo

pala ang aking pamilya sa tanghalian?

Sabi naman ng lalaki: ang pamilya mo at

pamilya ku ay iisa lamang at walang silang

pagkakaiba sa ating dalawa.

Sabi ng babae: kung maari ay bumili ka ng

pagkain pag-uwi mo dahil walang pagkain

dito sa bahay.

Sabi ng lalaki: malayo ako ngayon sa bahay,

at ang pamilya mo ay hindi rin naman mga

ibang tao, pamilya mo sila, kaya pakainin mu

sila tulad ng pinapakain mu sa aking

pamilya.

Sabi nga nila: “tratohin mo ang ibang tao

katulad ng gusto mong pagtrato sa sarili

mo”

Kaya bilang isang muslim ay nararapat sa

atin na irespeto at mahalin ang pamilya ng

ating mga asawa katulad ng gusto nating

pagmamahal at respeto sa ating pamilya.

Sabi ni propeta Muhammad(s.a.w): “ang

kabutihan mo sa lahat ng mayroong buhay

ay gantimpala mula sa Allah” –muslim.