Makakuha ng maaasahan at pangkomunidad na mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Answer:
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Mga kwento ng mga mahiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito.
Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng kababalaghan o ‘di pagkaraniwang pangyayari na naganap nuong unang panahon.
Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa banding huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.
Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba’t-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng
Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba’t-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ngsumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat.