IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng eksaktong sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

10 sawikain at kahulugan​

Sagot :

Answer:

 

10 Halimbawa ng Sawikain at mga Kahulugan Nito

SAWIKAIN – Narito ang higit sa 30+ halimbawa ng mga sawikain at ang kanilang mga kahulugan.

Kadalasan, sa tuwing nagbabasa tayo ay marami tayong sawikain na makakasalubong. Ito ay mga idyoma o kasabihan na ang kahulugan ay hindi komposisyonal ayon sa Tagalog Lang.

Halimbawa ng Sawikain

Narito ang higit sa 30 halimbawa ng mga sawikain at kanilang mga kahulugan:

1. Bukas ang Palad = Matulungin

Talagang bukas ang palad ni Rodrigo pagdating sa mga kasama niyang mangingisda.

 

2. Amoy Pinipig = Mabango

Palaging amoy pinipig ang guro nila sa Filipino.

3. Kabiyak ng Dibdib = Asawa

Sa bayan nagtratrabaho ang kabiyak ng dibdib ni Aling Myrna.

 

4. Butas ang bulsa = Walang pera

Maraming bayarin sa bahay nila kaya butas ang bulsa ni Kiko ngayon.

5. Lantang Gulay = Sobrang pagod

Parang lantang gulay ang inay noong dumating siya sa bahay galing sa pag-lalabada.

6. Nagsusunog ng Kilay = Masipag mag-aral

Araw-araw ay nagsusunog ng kilay ang batang si Jaime.

7. Pag-iisang Dibdib = Kasal

Malapit na ang pag-iisang dibdib nina Carlos at Gina kaya abala na sila sa paghahanda ngayon.

8. Makapal ang Palad = Masipag

Paborito ni Tiyo Berting si Richmond sa pagiging makapal palad nito.

9. Kilos Pagong = Mabagal

Binantaan na ni Cora si Theo na bawal ang kilos pagong sa grupo nila.

10. Mapurol ang Utak = Hindi matalino

Kahit mapuro ang utak ni Christopher, mabuti naman ang kanyang kalooban.

Explanation:

#CARRYONLEARNING

#AnswerforTrees

PA BRAINLIEST,RATE,AND HEART PO:)

Cjillmarie_