IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
Sagot :
Answer:
A. Batas Republika 6675 o ang Generics Act ng 1988
Explanation:
Sana makatulong!
Answer:
Ang Korte, matapos ang pagsipat sa iba’t ibang mga argumento at mga kontensiyon ng mga partido sa binanggit na pinagsama-samang mga kaso na binubuo ng 14 na petisyong humahamon sa pagiging nasa saligang batas nito at 2 interbensiyon upang panatiliin ang pagiging nasa konstitusyon nito, ay nagkakaisang pinanghahawakan na ang Batas Republika Blg. 10354 ay HINDI DI-KONSTITUSYONAL [1. talababa: Ang pormulasyong paggamit ng dobleng negatibo ay di-kinasanayan sa adhudikasyong konstitusyonal at nakabatay sa pagpapalagay na ang lahat ng batas ay ipinagpapalagay na konstitusyonal at ang pasanin ng pagpapakita na ang isang batas ay di-sang-ayon sa konstitusyon ay sa nagpepetisyon. Kapag hindi nagampanan ang pasaning iyon, ang deklarasyon ay nasa dobleng negatibo—“hindi di-sang-ayon sa konstitusyon.” Ang paggigiit na “konstitusyonal” ito ay magpapalagay na gumagalaw ang batas sa simulain ng pagiging di-konstitusyonal, na hindi siyang sitwasyon.] batay sa mga nailatag, maliban sa mga sumusunod na aytem na ito:
a) Seksiyon 7, at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR sa usaping ang mga ito ay: (a) nangangailangangan ng mga pribadong health facility at mga non-maternity specialty hospital at mga ospital na pagmamay-ari at pinagagana ng isang relihiyosong grupo upang magpakilala ng pasyente, hindi sa isang emergency o kasong makamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, sa isa pang health facility na mas madaling puntahan; at (b) nagpapahintulot sa mga magulang na menor-de-edad o mga menor-de-edad na nalaglagan ng bata na magkaroon ng access sa mga modernong metodo ng pagpaplano ng pamilya nang walang nakasulat na pahintulot mula sa kanilang mga magulang o (mga) tagapangalaga;
b) Seksiyon 23(a)(1) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo o tumangging magpakalat ng impormasyon kaugnay ng mga programa at mga serbisyo sa kalusugang reproduktibo anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso;
c) Seksiyon 23(a)(2)(i) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR kaugnay ng pagpapahintulot nito sa isang kasal na indibidwal, na wala sa isang emergency o kasong nakamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, na sumailalim sa mga hakbangin ng kalusugang reproduktibo nang walang pahintulot ng asawa;
d) Seksiyon 23(a)(3) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa ng mga ito sa sinumang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na nabigo at/o tumangging magpakilala ng isang pasyente na wala sa isang emergency o kasong nakamamatay, sang-ayon sa binigyang-kahulugan sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8344, sa isa pang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa loob ng parehong pasilidad o sa isa pang madaling puntahan anuman ang kaniyang mga paniniwalang relihiyoso;
e) Seksiyon 23(b) at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR, partikular na ang seksiyon 5.24 mula roon, kaugnay ng pagpaparusa sa sinumang opisyal na pampubliko na tumangging magtaguyod ng mga programa sa kalusugang reproduktibo o gumawa ng anumang pipigil sa ganap na pagpapatupad ng isang programa para sa kalusugang reproduktibo, anuman ang kaniyang paniniwalang relihiyoso.
f) Seksiyon 17 at ang katumbas na probisyon sa RH-IRR tungkol sa pagkakaloob ng serbisyong pro-bono sa kalusugang reproduktibo, kaugnay ng epekto ng mga ito sa conscientious objector sa pagkuha ng akreditasyon sa PhilHealth.
g) Seksiyon 3.01(a) at (j) ng RH-IRR kaugnay ng paggamit nito ng pang-uring “pangunahin” upang labanan ang sek. 4(a) ng Batas RH at labagin ang seksiyon 12, Artikulo II ng Konstitusyon.
h) Seksiyon 23(a)(2)(ii) kaugnay ng pagpaparusa nito sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan na humihingi ng pahintulot mula sa magulang sa isang menor-de-edad na wala sa isang emergency o mga sitwasyong malubha, na idinedeklang DI-KONSTITUSYONAL. Sa mga aytem na ito, nagkaroon ng hiwa-hiwalay na botohon ang Korte, na nagkaroon ng sumusunod na mga resulta.
Explanation:
yan lng po meron eh
sinearch ko lahat pero yan lng tlga ang meron
sorry
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magbahagi ng iyong mga ideya at kasagutan. Sama-sama tayong magpapaunlad ng isang komunidad ng karunungan at pagkatuto. May mga katanungan ka? Ang IDNStudy.com ang may sagot. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.