IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Ang Palalong Loro at si Askal
Magkaiba ang karanasan nina Loro at Askal. Si Loro ay
alagang-alaga ng kaniyang amo. Inaayusan at pinakakain siya ng
amo. Maraming natutuwa sa kaniya at ibig humawak sa kabila ng
palalo niyang bibig.
Si Askal ay walang nagpapaligo kaya galisin. Wala
siyang amo kaya siya ay palaboy sa lansangan. Siya ay madalas
sinisipa at pinandidirihan ng mga tao kaya lalong naging kawawa.
Minsan, namasyal ang mag-amo. Nakita niya si Askal.
"Ew! Kadiri! Maligo ka nga! Ang baho mo!" sigaw ni Loro
kay Askal. Siniraan pa niya si Askal sa ibang mga hayop na
nagdaraan.
Hindi siya pinansin ni Askal. Bagkus, tuloy lamang ito sa
pagkakalkal ng basura dahil sa gutom.
Isang araw, nakita ng pusa si Loro at gustong kagatin.
Tinangkang lumaban ni Loro sa pusa ngunit mas malaki ito sa
kaniya. Sinakmal siya ng pusa at iwinasiwas sa kalye.
"Aray ko! Masisira ang maganda kong balahibo!" sigaw
ni Loro.
Mula sa isang dako ay biglang sumaklolo si Askal kay
Loro.
"Aray ko! Kawawa naman ang balahibo ko. Salamat
sa'yo, mabantot at galising aso," wika ni Loro. sabay alis.
"Nagpasalamat nga, nanlait naman!" naiinis na wika ni
Bumalik ang galit na galit na pusa. Kinagat niya muli si
Loro sa leeg, katawan, at sa buntot. Wala siyang nagawa kundi
ang sumigaw hanggang sa mawalan ng malay.
Hindi matiis ni Askal si Loro kaya iniligtas niya ito sa kamay
ng kamatayan.
Binantayan ni Askal si Loro hanggang magkamalay.
Dinala niya ito sa tapat ng bahay ng kaniyang amo. Pinagsisihan
ni Loro ang mga nagawa niya kay Askal at labis-labis ang
pasasalamat niya kay Askal.
1. Ano ang masasabi mo sa katangian ni Loro at Askal?
2. Ano ang naramdaman mo sa inasal ni Loro ka Askal?
3. Ano ang gagawin mo kapag binabato ng kaibigan mo ang
isang madungis na aso?
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Askal tutulungan mo rin
ba si Loro? Bakit?​


Sagot :

Answer:

1.sila ay magkaiba

2.nagalit

3.tutulungan ko ang aso at pagsasabihan ang aking kaibigan

opo,dahil kawawa pa rin si loro

Explanation:

sana po makatulong:)