Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Ano ang buod ng ANG ALAMAT NI PRINSESA MANORAH

Sagot :

Ang Alamat ni Prinsesa Manorah

Buod

Sa isang kaharian sa bundok Grairat, nakatira ang mag-asawang hari Prathum at Reynang Janta kinnaree. Sila ay may pitong anak na kinnaree. Ang pitong kinnaree ay kalahating sisne at ang kalahating ay babae. Sila’y nakalilipad ng nakatago ang kani-kanilang pakpak kung nais nila.

Sa buod na ito, malalaman mo ang ilang yugto:

  1. Prinsesa Manorah
  2. Ang Kabilugan ng Buwan
  3. Ang Dragon
  4. Ang Kapangyarihang Lubid

Prinsesa Manorah

Isa na dito ay si Prinsesa Manorah. Si Prinsesa Manorah ay may taglay na kakaibang ganda na tunay naming nakabibighani. Sa loob ng kaharian ng Grairat, matatagpuan ang kagubatan ng Himmapan kung saan matatagpuan ang napakagandang at kaaya-ayang lawa na paburitong lugar ng pitong prinsesang kinnaree. Dito rin sa kagubatang ito namamahay ang iba’t ibang babangis at nakatatakot na nilalang.

Ang Kabilugan ng Buwan

Masaya silang dumadala rito lalo na tuwing kabilugan ng buwan. Sa hindi naman kalayun sa lawa ay may nakatirang isang matandang ermitanyo na nagsasagawa ng kanyang meditasyon. Isang araw napapad ang isang binata sa kagubatan ng Himmapan. Siya ay si Prahnbun. Nasaksihan niya ang pitong prinsesa na masayang nagtatampisaw sa lawa at sa isang iglap lamang ay nabighani na siya sa kagandahan ni Prinsesa Manorah, kaya naman naisip niya na kung mahuhuli niya ang magandang prinsesa at ibigay kay prinsepe Suton ay tiyak na matutuwa sakanya ang prinsepe.

Ang Dragon

Kung paano mahuhuli ang prinsesa, hindi iyon alam ni Prahnbun kaya naman nagpatulong siya sa matandang ermitayo. Batid ng matandang ermitayon na hindi ganoon kadali ang manghuli ng isang kannaree ngunit alam niya na isang dragon ang makakatulong sa binata kaya ito ay pinayuhan niyang hanapin ang nasabing dragon.

Tumalima naman kaagad ang binata at hinanap ang nasabing dragon, nang mahanap na niya ang dragon ay isinalaysay nito ang kanyang planong hulihin ang isa sa pitong prinsesang kannaree. Sa una ay ayaw sumangayon ng dragon ngunit napa sangayon din siya ng masigasig na binata.

Ang Kapangyarihang Lubid

Binigyan ng dragon si Prahnbun ng makapangyarihang lubid na siyang panghuhuli niya sa Prinsesa Manorah. Nagpasalamat ang binata at agarang lumisan upang hulihin ang isa sa mga prinsesa. Inihagis niya ang lubid at matagumpay na nahuli si Prinsesa Manorah. Ganun nalamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa.  Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang hindi makawala at tuluyang  maibigay kay Prinsipe Suton na nagkataong naglalakbay rin sa kagubatan.

Ang Wakas

Nakasalubong niya si Prahnbun dala-dala si Prinsesa Manorah. Agad-agad na naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah ang prinsipe. Nang isalaysay ni Prahnbun kay Prinsipe Suton ang dahilan kung bakit niya hinuli at dinala ang prinsesa sa harap niya, nagpasalamat ang prinsepe at ginantimpalaan ang binata Nagbalik ang prinsipe sa kaniyang palasyo dala-dala si Prinsesa Manorah kung saan umusbong ang isang tunay na pag-ibig sa isa’t isa.

Karagdagang Impormasyon

Mayroon ka pang matututunan sa ilang impormasyon sa ibaba:

  • Sariling wakas ng Ang Alamat ni Prinsesa Manorah ay mababasa sa link na ito: https://brainly.ph/question/361181
  • Ang Tagpuan ng Ang Alamat ni Prinsesa Manorah ay mababasa sa link na ito: https://brainly.ph/question/129872
  • Ang Tauhan ng Ang Alamat ni Prinsesa Manorah ay mababasa sa link na ito: https://brainly.ph/question/248910