IDNStudy.com, ang komunidad ng pagbabahagi ng kaalaman. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

ano ang ibig sabihin ng sipi ng akda?​

Sagot :

sipì: anumang kinopya mula sa ibang akda na may karampatang pagkilála sa awtor o itinalâ ayon sa sinabi ng ibang tao.

HOPE IT HELPS:-)

mark as BRAINLIEST please:-)

Answer:

ibig sabihin ng sipi

Ang ibig sabihin ng sipi ay anumang impormasyon o parte ng teksto na kinuha sa ibang akda. Sa pagsisipi, nararapat na magbigay ng tamang pagkilala sa orihinal na may akda. “Plagiarism” ang tawag sa pagkopya at pag-angkin ng pahayag o ideya ng iba. Upang maiwasan ito, bigyan ng karampatang pagkilala ang tunay na may akda sa tuwing hahango ng pahayag o ideya mula sa iba.

Halimbawa: Ang pahayag na ito ay sipi mula sa tula ni Edgar Allan Poe na “The Raven”.

Ang paggamit ng sipi ay nakakatulong upang mabigyang diin ang isang pahayag o opinyon. Nagbibigay din ito ng suporta sa anumang argumento na gusto nating iparating. Makakatulong itong kumbinsihin ang ating mambabasa lalo na kung manggagaling ang impormasyon sa isang dalubhasa.

Kahit ano pa man ang dahilan sa paggamit ng sipi, mahalaga na hindi natin ito angkinin na para bang tayo mismo ang nagsulat nito. Dapat nating bigyan ng karampatang pagkilala ang orihinal na may akda. Ang “plagiarism” ay tinuturing na “academic dishonesty” kung saan maaaring magmulta ang sino mang mapantunayang gumawa nito.

Sa kabilang banda, ang sipi ay maari ding mangahulugang kopya ng isang babasahin.

Halimbawa: Ilang kopya ba ang kailangan natin? Nagpalimbag na ako ng isang libong sipi.

akda

Ibig sabihin ng akda

Ang akda ay nangangahulugan isang sulat o komposisyong nakalahad at itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Ito ay ang pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay ng interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa mga nababasa at napanood. Ito rin ay nagsasabi at nagpapahayag ng mga kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin, ideya at diwa ng mga tao

Halimbawa ng mga akda

tula

maikling kwento

pabula

parabula

epiko

alamat

sanaysay

talumpati

awit at korido

1. Pabula  

Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad ng isang tao. Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang nagtataglay ng kabutihan ng ugali.  

2. Sanaysay  

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng pananaw ng may katha, pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon,

3. Awit at Korido

Ito ay isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.  

4. Epiko  

Ang epiko ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.

Explanation:

hopes helps