Sumali sa IDNStudy.com at makuha ang mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

sino ang mga tauhan sa kaharian ng reinos delos cristales at sino naman ang sa kaharian ng armenya

Sagot :

Ibong adarna mga tauhan

1. MGA PANGUNAHING TAUHAN

2. TAUHAN: Ibong Adarna -ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras Platas na makikita sa Bundok Tabor -ang mahiwagang ibong tanging makapagpapagaling kay Haring Fernando sa pamamagitan ng magandang tinig nito

3. TAUHAN: Haring Fernando -siya ang hari ng Kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman

4. TAUHAN: Reyna Valeriana -siya ang kabiyak ni Haring Fernando at ang ina nina Don Juan, Don Pedro, at Don Diego

5. TAUHAN: Don Pedro -siya ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana na nakipagsapalarang hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok Tabor

6. TAUHAN: Don Diego -siya ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ay tumungo rin sa kabundukan upang hanapin ang ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may malubhang karamdaman

7. TAUHAN: Don Juan -siya ang makisig na bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor

8. TAUHAN: Donya Maria -siya ang anak ni Haring Salermo na may taglay na kapangyarihan. Siya ay isa sa mga babaeng minahal ni Don Juan

9. TAUHAN: Haring Salermo -siya ang hari ng Kahariang Reyno de los Cristales na nagbibigay ng matitinding pagsubok kay Don Juan

10. TAUHAN: Donya Leonora -siya ang magandang prinsesa ng Kahariang Armenya na nagpakita ng tunay na pag-ibig kay Don Juan

11. TAUHAN: Donya Juana isa sa mga prinsesa ng Kahariang Armenya na kapatid ni Donya Leonora

12. TAUHAN: Donya Isabela -ang kapatid ni Donya Maria Blanca

13. TAUHAN: Ang leproso -matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don Juan

14. TAUHAN: Ang Ermitanyo -ito ay ang nagsabi kay Don Juan kung paano huhulihin ang Ibong Adarna at ililigtas ang mga kapatid

15. TAUHAN: Ermitanyong Uugod-ugod -ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego

16. TAUHAN: Arsobispo - ang humatol na dapat ikasal sina Don Juan at Donya Leonora

17. TAUHAN: Lobo -ang alaga ni Donya Leonora na siya gumagamot kay Don Juan sa Kaharian ng Armenya

18. TAUHAN: Ang Higante -ang may bihag at nagbabantay kay Donya Juana

19. TAUHAN: Ang Serpyente -malaking ahas na may pitong ulo na siyang nagbabantay kay Donya Leonora