Makakuha ng mga sagot ng eksperto sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.
Basahing mabuti ang usapan sa ibaba. Sagutan ang bawat katanungan kung alin ang nagpapahiwatig ng katotohanan at opinyon. Pindutin ang tamang sagot.
Lalaine: Crea! Nakapaghanda ka na ba ng mga bulaklak na iaalay natin sa ika-30 ng Disyembre para sa “Pagdiriwang ng Ika-121 Araw ni Rizal?”
Crea: Parang may mali Lalaine. Hindi ba dapat ay “Pag-gunita sa Ika-121 Araw ni Rizal?”
Lalaine: Bakit mo naman nasabi iyan Crea?
Crea: Ang Ika-30 ng Disyembre kasi ang araw ng kamatayan ni Rizal. Para sa akin, dapat nating gamitin ang salitang “pagdiriwang” sa kaniyang kaarawan na ginaganap tuwing Ika-19 ng Hunyo at “paggunita” naman sa araw ng kaniyang kamatayan.
Lalaine: Oo nga ano? Crea, palagay ko ay tama ka nga!
Tanong:
1) Batay sa iyong binasa, alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagsasabi ng katotohanan?
Select one:
a.
Ang Ika-30 ng Disyembre ang araw ng kamatayan ni Rizal
b.
Crea, palagay ko ay tama ka nga!
c.
Parang may mali Lalaine.
d.
Hindi ba dapat ay “Pag-gunita sa Ika-121 Araw ni Rizal?”
Pinahahalagahan namin ang bawat ambag mo. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang ating mga layunin. Sa IDNStudy.com, kami ay nangako na magbigay ng pinakamahusay na mga sagot. Salamat at sa muling pagkikita.