Magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

Ang adobo ay isa sa paboritong putaheng ulam na inihahain sa hapag kainan. Gusto mo bang matutong magluto nito. Narito ang mga hakbang sa pagluluto nito. Ihanda lahat ang mga sumusunod na sangkap: isang kilong sariwang karne ng baboy, mantika, suka, toyo, bawang, pamintang buo, dahon ng laurel at pampalasa. Ihanda din ang malinis na kagamitan tulad ng kawali, kaserola, sandok at kalan. Hugasang mabuti ang karne ng baboy. Paghalu-haluin ang suka, toyo, paminta, bawang at pampalasa at ibabad ang nahugasang karne dito. Pakuluan nang matagal, mga 30-minuto ang karne sa pinagbabaran. Magpainit ng kawali at lagyan ng kaunting mantika. Igisa ang bawang, isunod ang karne na inihiwalay sa pinagpakuluang sabaw at isangkutsang mabuti. Hinaan ang apoy. Ihalong muli ang pinagpakuluang sabaw. Patuloy na pakuluan hanggang magmantika ang karne at matuyo na ang sabaw. Kapag nangyari ito maari nang patayin ang kalan. Ihain agad ito at ulamin kasabay ang mainit na kanin.
Sagutin:
1) Anong pagkaing Pinoy ang tinutukoy sa talata?
2)Ano ang mga kakailanganin upang makapagluto nito?
3) Paano mo malalaman na malapit na itong maluto?
4) Kailan papatayin ang kalan?


Sagot :

Answer:

1)Adobo

2)Isang kilong sariwang karne ng baboy, mantika, suka, toyo, bawang, pamintang buo, dahon ng laurel at pampalasa. Ihanda din ang malinis na kagamitan tulad ng kawali, kaserola, sandok at kalan.

3)Kapag ayos na ang timpla ng niluluto

4)Kapag magmantika ang karne at matuyo na ang sabaw.

Explanation:

Yan po ang sagot