IDNStudy.com, ang iyong platform ng sanggunian para sa malinaw na mga sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at tiyak sa tulong ng aming mga bihasang miyembro.
Sagot :
Answer:
Bago nating sagutin ang tanong kung “ano ang ibig sabihin ng refugee migration,” marahil ay dapat muna nating alamin kung ano ang migrasyon at kung ano ang refugees. Una, ang migrasyon ay ang paglipat ng mga tao sa isang lugar patungo sa isa pa na may intensyon na manatili ng matagalan o panandalian lamang. Ang refugees naman sa kabilang banda ay ang mga uri ng mga tao na nangangailangan ng proteksyon mula sa mga internasyunal na mga bansa o pamahalaan dahil sa nakaambang panganib sa kanila sa kanilang bansang tinutuluyan.
Ngayon, ang refugee migration ay ang malakihang paglipat ng mga refugees mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga Rohingya refugees. Alamin pa ang iba tungkol sa kanila rito: brainly.ph/question/166901. Maliban sa mga Rohingya Muslims, ang malawakan at malakihang migrasyon ng mga refugee ay nangyayari hanggang ngayon sa mga bansa sa Middle East, kabilang na dito ang mga refugee mula sa Syria at iba pang war-torn countries.
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa migrasyon, partikular na sa kung ano ang permanent migration at ano ang labor migration, tumungo sa mga link na ito: para sa permanent migration: brainly.ph/question/995718. Para naman sa labor migration: brainly.ph/question/966997.
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong nalalaman. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Bumalik ka sa IDNStudy.com para sa maasahang mga sagot sa iyong mga katanungan. Salamat sa iyong tiwala.